Sigaw ng bashers: Ai Ai masama ang ugali kaya minalas ang concert

aiai 1
SOPHIA took to Twitter to defend her mom, Ai Ai delas Alas, from a basher.

Big issue pa rin kasi ngayon ang pagkakansela ng pre-Valentine show ng Comedy Concert Queen dahil sa palpak nitong producer.

Although nagsalita na si Ai Ai sa real reason why the concert had to be called off, maraming bashers ng komedyante ang nag-fiesta sa pagsasabing ang slow na bentahan ng tiket ang tunay na dahilan kaya na-cancel ang show.

‘Yung isa ngang nagmahadera ay nagsabing ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang pre-Valentine concert ni Ai Ai ay dahil, “Nalaman ng mga audience na masama ang ugali niya (Ai Ai).”

Siyempre, hindi ito pinalagpas ng anak ni Ai Ai na si Sophia who said, “Have you met my mom personally? Have you talked to her? If not, tumahimik ka na lang.”

Sa kanyang pagtatanggol sa kanyang ina, niresbakan ng bashers si Sophia. “I dont wanna question how AiAi brought up his daughter coz u know im a mom too but i wanna question the kind of environment the daughter have outside the house premises. maybe she dont know how to choose the right friends coz the way she answer the basher is like not educated or skwaterish,” say ng isang basher.

“Ai Ai is a celebrity which let her acquire bashers. If you do not want your mother to be bash then tell her to stay at home and quit showbusiness. Period,” maanghang na comment ng isa pa.

“Siempre mother nya yan kaya right nyang ipagtanggol, kung ang mother mo minura alangan naman manahimik ka lang. daming santa santita dito sa mundo,” pagtatanggol naman kay Sophia ng isang fan ni Ai Ai.

Tama. Ang anak ay dapat palaging ipagtanggol ang kanyang ina, ‘no! Ito kasing mga bashers ni Ai Ai ay hindi na lang manahimik, palaging wala sa hulog, parating tamang hinala.

Read more...