Iñigo Pascual ‘last dance’ ni Julia sa bonggang debut

inigo pascual
Inamin ni Iñigo Pascual na si Julia Barretto ang itinuturing niyang best friend sa showbiz. Mas naging close pa raw sila ngayon dahil nga sa mga proyektong ginagawa nila.

“We’re good friends. Siya siguro ang best friend ko in this industry. Marami akong puwedeng tanungin na masasagot niya. Kasi siyempre po, halos parehas lang ang pinagdadaanan namin.

“Anak siya ng Barretto, at ako naman ni Papa (Piolo Pascual), so alam niya ang pinagdaanan ko. I’m really thankful she’s there for me and I’m thankful she’s my friend,” kuwento ni Iñigo sa presscon ng pelikulang “Crazy Beautiful You” kung saan magiging ka-love triangle siya nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Puro papuri ang ibinigay ni Iñigo kay Julia at totoong nagse-share na sila ng mga secrets, “Opo, we talk a lot. Siya rin kasi yung tipo ng tao na kahit kailan man mo siya tawagan, sasagutin niya ang phone. At times, sasabihin din niya na, ‘I’m busy.’

Pero siya yung tao na makakausap mo about anything.” “She’s very open and, yung nga, kapag may problema ako, sinasabi ko sa kanya. At kung may problema siya, sinasabi niya sa akin.

And I guess, it’s something that would help our friendship grow,” chika pa ng binata. At isa nga sa mga napag-uusapan nila ay ang problema ni Julia sa ama nitong si Dennis Padilla na masama pa rin ang loob sa dalaga dahil sa pambabastos diumano nito sa komedyante.

“Siyempre, kung may sarili naman siyang reason…Hindi naman po niya gagawin yun kung walang rason. But I know, she’s very forgiving, she’s very forgiving na tao. She doesn’t like holding grudges against people.

Talagang sinasabi niya kung nagtatampo siya. “Pero yung tampo niya, ano lang, temporary. Hindi niya kayang magtampo na forever,” sey pa ng anak  ni Piolo.

Kasama sa 18 Roses si Iñigo sa debut ni Julia aa March 10 at kakanta rin daw siya bilang regalo na rin kay Julia. Marami ang humuhula na baka siya rin ang last dance ng young actress, “Hindi ko pa po alam, pero why not?”

Read more...