Horoscope, February 15, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Linggo ngayon! Tuloy-tuloy na dadapo ang suwerte at magandang kapalaran kung pula ang isuot mong kulay. Sa kulay na pula, maraming pera ang matatanggap habang patuloy ding iinit ang relasyon. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Shivoham-Dharmo-Om.” Bukod sa red buenas din ang magenta.

Aries – (Marso 21-April 19) – Ituloy ang binabalak na paglalakbay. Sa malayong lugar mas madaling aangat ang kabuhayan. Sa pag-ibig, higit na masarap ang romansa sa kasuyong Leo kung pansamantalang lalayo ka muna sa kanya. Mapalad ang 3, 12, 30, 34, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Adonai-Elohim-Om.” Green at blue ang bueanas.

Taurus – (April 20-May 20) – Wag umasa sa iba, sa halip mag-establish ng sariling career at negosyo upang lumago ang iyong kabuhayan. Sa pag-ibig, tulungan ang kasuyo sa aspetong pang-materyal upang mas madali kayong yumaman. Mapalad ang 6, 9, 15, 24, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dheemari-Gayatri-Om.” Red at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) – Hindi ka dapat kakalat-kalat, kailangang magkaroon ka ng career. At ang magandang career na naghihintay ay nasa ibayong dagat. Sa pag-ibig, higit kayong uunlad at magiging maligaya ang iyong pamilya kung sa abroad kayo maninirahan. Mapalad ang 5, 18, 27, 32 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dahli-Umali-Om.” Magenta at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) – Hanapin ang mas malalim na diwa ng huhay! Wala sa limpak-limpak na salapi ang tunay na ligaya. Sa pag-ibig, sa pagtulong sa kapwa duon mo mararamdaman ang inner peace at complete happiness. Mapalad ang 1, 16, 25, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Naham-Namo-Om.” Lilac at violet ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) – Ang lahat ng bagay ay lumilipas, pati na rin ang mga problema. Sa pinansyal, kusa mo ng malulusutan ang malaking problema sa salapi sa tulong ng isang Aries. Sa pag-ibig, unti-unti na ring mawawala ang pagtatampo ng kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 1, 11, 29, 32, 37 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Chadra-Pad-Me-Om.” Blue at white ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) – Will power ang kailangan, ipilit ng ipilit ang iyong gusto upang kumita ng malaking halaga! Sa pag-ibig, hindi magiging maligaya kung lagi mong sinusunod ang kasuyo. Kailangang siya naman ang sumunod sa iyo. Mapalad ang 7, 9, 18, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sa taong buo ang loob ang yaman ay lubos!” Red at black ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) – Paikot-ikot lang ang kapalaran, na ibig sabihin kung namumrobema man sa pera sa ngayon, masosulusyonan din yan sa susunod na mga araw. Sa pag-ibig, panatiliin ang pakikipag-relasyon sa maperang Aquarius. Mapalad ang 6, 17, 27, 36, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Regama-Om.” Red at lilac ang bueans.

Scorpio – (October 24 – November 21) – Ituloy ang ginagawang mga pagsisikap malapit na malapit ka ng umunlad at yumaman. Sa pag-ibig, wag hayaang lumayo ang kasuyong Libra sa kanya ka lubos na liligaya. Mapalad ang 4, 17, 22, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Nahme-Om-Naiva-Me.” Green at yellow ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) – Hindi dapat hanapin ang kaligayahan sa mga bagay na materyal! Sa pinansyal, mag-ipon lang ng sapat para para kinabukasan. Sa pag-ibig, higit na payapa ang isipan ng may simple at sama-samang pamilya kaysa sa ubod ng yaman na broken family naman . Mapalad ang 9, 19, 24, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agne-Aum-Manu.” Silver at pink ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) – Hindi ka kaiingitan kung mananahimik ka lang at kapag nawala na ang mga naiingit sayo mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyo na huwag na rin siyang maging ma-angas at ma-epal! Mapalad ang 2, 17, 26, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ayena-Patrenan-Om.” Gold at orange ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) – Sa pinansyal, hintaying muling mag-full moon upang dagdag na salapi ang matangap. Sa pag-ibig, higit na mas magiging masarap ang romansa kung gagawin ito habang bumibilog ang buwan sa langit! Mapalad ang 2, 7, 16, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Da-Bra.” Green at pink ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) – Agapay buhat sa iba ang magbibigay ng ligaya! Sa pinansyal, isang Virgo ang tutulong upang masimulan na ang negosyong matagal ng binabalak. Sa pag-ibig, isang Scorpio na katabi mo lang, ang may lihim sayong pagnanasa – mag-ingat! Mapalad ang 7, 16, 22, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Agla-Aum.” Green at blue ang buenas.

Read more...