NANGANGAMOY gera na naman ang dating magdyowa na sina Andi Eigenmann at Albie Casino. Ito’y dahil na rin sa walang tigil na pagdakdak ng binata tungkol sa anak ni Andi na si Ellie.
Naimbiyerna kasi ang anak ni Jaclyn Jose sa mga pahayag ni Albie about her rumored boyfriend Jake Ejercito and her daughter Adrianna Gabrielle.
Nagtataka raw ang Kapamilya actress kung bakit bigla na namang nakisawsaw si Albie sa isyu nila ni Jake, gayung nananahimik na siya.
Sa interview ng ABS-CBN sa dalagang ina, tinanong nito kung bakit umeepal na naman ang aktor samantalang matagal na niya itong kinalimutan at kahit kailan daw ay hindi siya humingi ng kahit ano kay Albie para sa kanyang anak.
Kaya sana raw ay tumigil na ito sa pagdakdak tungkol sa kanilang mag-ina. “Sa akin lang, I never really asked anything from him or made him act like a father or be one to my daughter regardless of the fact that he is the father of my daughter or not.
I don’t need him. He doesn’t need to be a part of our lives. We never asked anything from him so I don’t understand why all of sudden, it’s a big deal again,” paliwang pa ni Andi.
Dagdag pa nito, “I just wish he chose to do the more civil and educated thing to do which is to talk to me about it first, instead of going on the news and use it as some sort of a promo or a ploy.”
Kasabay nito, nakiusap din ang aktres na huwag nang idamay ang kanyang tatlong taong gulang na anak dahil wala pa itong kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa paligid niya.
Kamakailan, sinabi ni Albie na civil naman sila ni Andi, “It’s not doing any good to anyone to be mad at each other, so what’s the point?”
Nang tanungin naman kung napi-feel ba niya na siya talaga ang tatay ni Ellie, ang tugon nito, “I don’t know. I don’t want to be the one to say that. I’m in no position to say that.”