Ogie payag sa pagtakbo ni Grace sa 2016

grace poe
Diretsong si-nabi ni Ogie Alcasid na handa siyang suportahan si Sen. Grace Poe sakaling magdesisyon itong tumakbo sa mas mataas na posisyon sa 2016 elections.

“Wala pa naman (nanliligaw para i-endorse niya sa darating na eleksiyon) pero gusto ko si Grace Poe,” ani Ogie sa isang interview. “Lagi ko namang sinasabi sa kanya.

Gusto ko din si Congressman Leni Robredo,” hirit pa ng mister ni Regine Velasquez na siya ring tumata-yong presidente ng Organisas-yon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM).

Tinanong din si Ogie kung anong posisyon ba ang sa tingin niyang dapat takbuhan ng sister ni Lovi Poe, ang sagot nito, “Kahit saan. I know she is young and I know that she feels that she’s inexperienced.

I know she feels that there are still a lot of things to do but sometimes ay advantage ‘yung youth.” “At the Senate, nakikita niyo naman ‘yung pagiging aggressive niya, the energy that she brings in the Senate.

Kakaiba. Dati nakakasama ko na siya – sa MTRCB pa lang siya noon and I was with OPM, medyo nakakatrabaho ko na siya ng kaunti at nakikita ko na mayroon talaga siyang (kakayahan),” sey pa ng singer-comedian.

Read more...