IT’S February 14 and it’s Valentine’s Day. Siyempre, pag ganitong araw ay aligaga ang mga lovers para sa kanilang special red-letter day, di ba?
May joke pa nga na sa araw na ito- fully-booked ang mga motel. Ha-hahaha! And some say na ang Feb. 14 ay para sa mga legal na asawa – yung mga “others” kasi ay malamang na nag-celebrate na kagabi or tomorrow, tama?
Kaming mga bading ay sanay nang makasama ang mga papa namin same way with the kabits. Ha-hahaha! Kasi kadalasan sa aming bading, ang mga BF namin ay merong girlfriends and siyempre, ayaw naming makipagkompetensiya with them.
Kanila ang araw na ito pero huwag silang pakasisiguro dahil for all they know, kahapon pa kami nagpakaligaya! Ha- hahaha! Tinirhan naman namin sila, ‘no! Ng pagmamahal, I mean. Kayo talaga – napakamalisyoso ninyo.
Seriously speaking, ka-ming mga mag-anak naman will spend our morning ngayon burying the ashes of our dear loved one na pumanaw recently – ihahatid namin si Kuya Rollie Noriega sa kaniyang huling hantungan ngayon after being cremated last Monday.
Diyan lang naman ilalagay ang urn niya sa chapel ng Philam Homes sa Q.C., right across their house. Dapat sana ay sa March 20 pa – sa 40th day niya – namin siya ilalagay doon kaya lang panay ang paramdam nito sa kaniyang dalawang daughters lately and stepmom kaya we decided na patahimikin na lang ang kaniyang kaluluwa.
That’s still spending Valentine’s Day with a loved one, di ba? Kuya Rollie must be very glad that at 10 this morning ay pamimisahan namin siya sa bahay nila sa Philam Homes and right after ay makakapagpahinga na siya hanggang sa dulo nang walang hanggan.
With that, mapapabilis ang pagtungo niya sa langit. After paying our last respect sa kaniya, sasamahan ko ang anak kong si Michael Pangilinan sa East Avenue Medical Center dahil he is scheduled to cheer up 25 abandoned kids sa isang basement doon – request kasi nilang makasama si Kuya Michael nila ngayong Valentine’s Day.
“Ako na ang sasagot sa merienda nila, ‘Nay. Bilhan ko sila ng burgers and drinks,” pakiusap ni Mommy Precy Pangilinan, butihing ina ni Michael.
Nakakatuwa ang mag-ina – talagang gustong maging bahagi ng charity event na ito sa imbitasyon ni kaibigang writer na si Oggie Medina who has been very busy these days helping many foundations.
Ang sarap ng feeling na meron kang alaga who wants these kinds of stuff, actually, ayaw niyang isulat ko ito pero I insist.
Not for anything else, gusto ko lang imulat ang mga mata at puso ng ilang artists natin na hindi lahat pera-pera – they should also spend time with the less fortunate. Hindi yung puro kabig. Sharing is also a virtue, bah!
Hindi ko talaga makalimutan last year when Arnold of McQueen Petals Flower Shop asked me kung puwede raw ba niyang maimbitahan si Michael upang kumanta sa Baclaran Cathedral for free dahil kapistahan ng cathedral that time.
Kung ako lang ang tatanungin ay walang problema. But I am not Michael kaya sabi ko, I will ask him kung type niyang gawin iyon. Alam ko kasing Christian si Michael kaya baka hindi siya pumayag.
When I asked him kung gusto niyang gawin ito he immediately agreed and asked kung ilang songs ang gusto nila. That night ay hindi ko nasamahan si Michael dahil may radio show ako.
I told him na right after ng event na iyon ay puntahan niya ako sa Zirkoh Morato para i-report kung kumusta ang reception ng tao sa kaniya.
“‘Nay, nakakakilabot palang kumanta sa simbahan, ‘no? Sarap ng feeling. Nay, puwede bang every month ay meron tayong ganito – yung charity show?” lambing nito sa inyong lingkod.
At para akong naiiyak na sinabihan siyang I am just so proud of him. What a BIG HEART, di ba? Actually, marami nang ginagawang charity shows si Michael na hindi alam ng marami.
Ayaw kasi naming i-publicize ito dahil ang pangit tingnan. Hindi namin kailangang sumikat o ma-cover sa ganitong uri ng pamamaraan dahil this is very sacred for him.
Kasi nga, he cries with the senior citizens, he cries with the pregnant women he sings for in some occasions, he cries habang kinakausap ang mga abandoned kids – mababaw ang luha ni Michael.
Kaya ko lang ito mini-mention ngayon dahil I want to share with you the other side of this tattooed-boy named Michael Pangilinan.
Actually, may istorya ang event namin today. Nag-FB sa akin si kaibigang Oggie Medina asking if puwede raw bang kantahan ni Michael ang mga batang ito sa East Avenue Medical Center this Feb. 14.
Nagkataon namang meron kaming naka-pencil book na sked for him – out of town iyon pero by some twists of fate ay biglang nakansela. Nang sabihin ko kay Michael na hindi na tuloy ang Koronadal inquiry na iyon, mabilis niyang sinabi sa akin ang “so, tuloy tayo ‘Nay sa mga bata ha.
Anong dadalhin natin for them na merienda?” What a boy, di ba? Kung ibang artist iyon, sisimangot na iyon dahil manghihinayang sa kikitain for the cancelled show.
Not Michael. Kaya mamahalin mo talaga ang batang ito. Hindi kasi siya mukhang pera. From 2-4 p.m. lang naman ito and take note, wala siyang Valentine’s date after ng meet-up niya with these children – ang ka-date ni Michael tonight ay ang mga listeners ng M.O.R. 101.9 dahil siya ang featured artist nila from 8-12 p.m.
Hay naku, buhay. Ang saya-saya! Sana araw-araw Valentine’s Day. Puwede naman, di ba?