Film library nina FPJ, Pidol at Binoe kinakarir ng ABS-CBN

robin padilla
Mas malinaw at masaya na ang panonood ng TV ng buong pamilya sa ABS-CBN TV plus, ang digital box ng ABS-CBN na magdadala ng pinakamalaking pagbabago sa telebisyon – ang mas klarong palabas at karagdagang exclusive channels na mapapanood nang libre.

Hatid ng ABS-CBN TVplus o mas kilala bilang “mahiwagang black box” ang napakalinaw na palabas na katulad sa panonood ng pelikula sa DVD, malayo sa signal at ordinaryong antenna ng analog TV na nakasanayan ng mga Pinoy.

“Digital terrestrial television (DTT) is a major investment for ABS-CBN, but it is actually investing in our fellow Filipinos. Naniniwala kaming ang inspirasyon at impormasyong dadalhin ng digital TV sa ating mga tahanan ay magbubukas ng mga bagong oportunidad sa bawat pamilyang Pilipino,” ayon kay ABS-CBN chairman  Eugenio Lopez III.

Ginanap ang ceremonial switch-on para sa opisyal na paglulunsad ng produkto noong Miyerkules sa ABS-CBN Center Road na pinangunahan ni Lopez, president at CEO Charo Santos-Concio, at ABS-CBN head of access na si Carlo Katigbak.

“Ang mahiwagang black box ay matagal nang pangarap ng ABS-CBN para sa mga kababayan nating hindi nakakapanood ng malinaw na TV. Ngayon magbabago na ang lahat para sa kanila,” ani Ms. Charo.

“Ang ABS-CBN ang magiging pioneer ng pinakabagong pagbabago sa telebisyon. Sa muling pangunguna ng ABS-CBN sa kasaysayan ng TV, gusto naming pasalamatan ang bawat Kapamilya na tumulong upang magkatotoo ang digital TV na dati’y isang pangarap lang,” ayon naman kay Katigbak.

Mas maraming channels na rin ang maaaring pagpilian ng pamilya dahil bukod sa ABS-CBN at ABS-CBN Sports+Action, kalakip ang apat na libreng digital TV channels na ekslusibong makukuha lang kapag binili at kinabit sa TV ang ABS-CBN TVplus.

“Ang lahat ng channels namin ay para sa lahat ng miyembro ng pamilya – bata man o matanda, babae man o lalake. Mabibigyan ng maraming mapagpipilian ang mga pamilyang hindi kaya o gustong magbayad para sa cable TV, at sa pamamagitan ng DTT, inaasahan naming mas lalo pa nilang ma-enjoy ang panonood ng TV at makapag-bonding kasama ang buong pamilya,” sey naman ni March Ventosa, ABS-CBN head of narrowcast and DTT channels.

“Nakasara na kami ng deals sa pinakamalalaking film companies para makabuo ng film library ng Pinoy idols gaya nina Fernando Poe Jr., Dolphy, Robin Padilla, Asian action films, at English movies para sa ating viewers.

Nakakuha rin kami ng children’s entertainment programs mula sa Nickelodeon,” chika naman ni Leng Raymundo, head ng ABS-CBN Program Acquisitions and International Sales Distribution.

Para sa mga tanong, bisitahin ang www.abs-cbnstore.com, o tumawag sa 488-8888 at 1800-10-4888888 (outside Metro Manila).

Read more...