P-Noy hindi na pupunta bilang Best Man sa kasalang Chiz-Heart

heart evangelista

HINDI na raw makakapunta si Pangulong Noynoy Aquino sa kasal nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista na gaganapin sa Linggo sa Balesin Island, Quezon Province.

Ito kasi ang usap-usapan ngayon sa social media, balitang mismong si Sen. Chiz na raw ang nagsabi kay P-Noy na huwag nang dumalo sa wedding nila ni Heart. Ito sana ang magsisilbing Best Man ng senador.
Pero ayon sa future husband ni Heart, wala raw itong kinalaman sa kontrobersiyal na pagkamatay ng 44 miyembro ng PNP-SAF na pinoproblema ngayon ng Aquino administration.
Sey ni Chiz, noong November, 2014 pa niya sinabihan si P-Noy na huwag na itong mag-abala na tumungo sa Balesin dahil malayu-layo nga ito. Bukod dito, magiging security nightmare rin ang pagdalo roon ng pangulo.
Posible rin daw na mawala pansamantala ang signal sa isla kapag naroon ang pangulo kaya mas mabuting hindi na lang ito dumalo.
Pwede naman daw itong sa Manila reception na lang umapir kung available ito sa araw na ‘yun. Pero ayon naman sa netizens, palusot na lang siguro ito ng kampo ni Chiz pero ang totoo, talagang pinayuhan si Pangulong Noynoy na huwag nang um-attend sa kasal dahil baka mas lalo siyang kainisan ng madlang pipol.

Read more...