ILANG buwan na bang hindi natin nasilayan ang mahal nating TV host at tatay-tatayang si Kuya Germs matapos siyang ma-stroke? Nakaka-miss din siya sa Walang Tulugan which is now temporarily hosted by John Nite and the rest of the gang.
Marami ang worried na worried sa kalagayan ni Kuya Germs and lately ay napabalitang nakakapagsalita na ito nang maayos pero hindi pa makalakad.
To our surprise, Kuya Germs finally appeared sa pre-Valentine concert ng baby nating si Michael Pangilinan sa Teatrino (Promenade, Greenhills) the other night. Sobrang tuwa naming lahat lalo na si Michael nang mamataan niya ang kaniyang Tatay Germs sa audience in a wheelchair. Katabi ni Kuya Germs sa upuan si Ma’am Precy Florentino, ang may-ari ng Teatrino and Music Museum .
“Gusto niyang i-surprise ang anak-anakan niyang si Michael. He really wanted to watch him kaya pinayagan namin kahit naka-wheelchair. Ito bale ang first public appearance niya, sa show lang ni Michael,” ani kaibigang John Nite who also watched Michael’s concert.
After a while ay bigla namang dumating ang mahal nating Concert King na si Martin Nievera with his business manager Joy Alonzo. Nasa bandang likod sina Martin pero hindi ito nakaligtas nang tawagin nina Pangga Duncan Ramos and Michael sa stage – nilambing siya ni Michael to sing a song for the roaring crowd.
Hayun, umakyat si Papa Martin and did a duet with Michael with “Kahit Isang Saglit” na sobrang ganda. Martin is such a trooper talaga. Galing!
First time mag-show ni Michael na baby grand piano lang ang accompaniment. Sinubukan ng musical director naming si Tito Butch Miraflor ang vocal talent ni Michael dahil iba nga naman pag piano lang ang sasabayan ni bagets. Mahahalata talaga kung hindi maganda ang boses mo pag piano lang. Oh gosh! In fairness kay Michael, naitawid niya nang mabuti ang concert!
Nasa audience din sina Ms. Laarni Enriquez with good friend Bebu, sina Atty. Ferdie Topacio and kaibigang Joel Cruz.
Nandoon din ang mahal naming si Mayora Precy Cruz of Guiguinto, Bulacan na sinamahan ng Tourism Diirector nilang si Rene
Villanueva. “101% ang suporta namin sa inyo dahil mahal namin kayo,” bulong ni Tita Precy Cruz sa amin.
Sobrang husay nina Morisette Amon and Malu Barry sa show. Hanep talaga ang boses ng dalawang ito. With Morisette’s “Akin Ka Na Lang” and Malu’s “A Song For You” – oh no! Parang ayaw mong matapos ang kanilang performance dahil sa sobrang galing. Ang comic tandem nina Le Chazz and AJ Tamiza really broke the house down. Sumakit ang tiyan ng lahat sa katatawa.