Mga Laro Bukas
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Talk ‘N Text vs Barako Bull
7 p.m. KIA Motors vs Barangay Ginebra
NAKUBRA sa wakas ng Blackwater Elite ang inaasam na unang panalo kahapon matapos nilang gulatin ang San Miguel Beermen, 80-77, sa kanilang PBA Commissioner’s Cup game sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
“Nakampihan ng suwerte, ika nga,” sabi ni Blackwater coach Leo Isaac sa harap ng mga mamamahayag matapos tapusin ng Elite ang 14-game losing streak na nagsimula pa noong PBA Philippine Cup.
“This is a moment we can really cherish, especially for the Blackwater franchise. We can use this victory to inspire us more, to be more competitive. We thank the Good Lord for allowing us this victory,” dagdag pa ni Isaac.
“It came a bit late, but still, we are very thankful.”
Si Marcus Douthit ay nagtala ng 20 puntos, 11 rebounds at apat na blocked shots para pangunahan ang Blackwater na umangat sa 1-3 karta.