MERS-CoV nakapasok na ng bansa, nurse na galing Saudi ginagamot sa RITM

mers virus

INATASAN kahapon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III si Acting Health Secretary Janette Garin na tiyakin na ginagawa ang lahat para mapigilan ang pagkalat ng MERS-Corona Virus matapos ang kumpirmasyon mula sa DOH hinggil sa kaso MERS-CoV na kung saan ginagamot ngayon ang pasyente sa  Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

“President Aquino has directed Acting Health Secretary Janette Garin to ensure that all necessary preventive measures are taken in connection with the reported case of MERS-CoV now being treated at RITM,” sabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) head Secretary Herminio “Sonny” Coloma.

Idinagdag ni Coloma na hinahanap na ng DOH ang mga pasaherong nakasakay ng Overseas Filipino Worker (OFW) na nagmula sa Saudi Arabia noong isang linggo.

Batay sa ulat mismo ng DOH, isang 32-taong-gulang na nurse na galing sa Saudi Arabia ang nagpatingin sa RITM dahil sa mga sintomas ng MERS-Cov kung saan nagpositibo ang OFW.

“Testing was done which yielded positive results. The patient is currently confined in a negative pressure room at RITM,” ayon pa sa DOH. Idinagdag ni DOH na patuloy na sinusubaybayan ang kalahayan ng nurse.

“Sa ngayon, the patient is in stable condition. Contact tracing of other passengers is also being done. Experts believe that the possibility of other passengers on the plane being infected, is low,” ayon pa sa DOH.
Read more...