Coco may planong makipag-date sa Valentine’s Day…pero may problema

coco martin
BINULABOG ni Coco Martin ang Brgy. Aya sa Talisay, Batangas noong Lunes ng gabi sa bisperas ng kanilang kapistahan sa imbitasyon ng number one supporter niyang si Nanay Rosie Natanauan, ang mother ng butihing alkalde ng Talisay na si Gerry Natanauan.

Hindi nabigo ang mga dumating sa private party ng pamilya-Natanauan who have been Coco Martin fanatics lalong-lalo na si Nanay Rosie. “Sobrang bait pala talaga ni Coco. Hindi ako nagkamali sa pag-idolo sa kaniya.

Tatlong taon kong hinintay ang araw na ito – sobrang saya ko dahil marami akong kuhang pictures na kasama siya.
“Maraming salamat sa inyong lahat na naging daan para matupad itong matagal ko nang pangarap, ang makita sa personal ang pinakaidolo kong kabataang artista,” ani Nanay Rosie na hanggang ngayon ay hindi pa maka-get over sa meet-up with Coco.

“Nakakatuwa siya dahil kahit napakaraming taong nagpapa-picture sa kaniya, hindi mo siya makitang nakasimangot. Nakangiti pa rin siya.

Ang guwapo-guwapo pala talaga niya sa personal at maganda ang boses,” sabi ng isa pang ginang na walang ginawa kungdi ang bumuntot kay Coco habang nandoon ito sa kanilang lugar.

Ang totoo po niyan ay may shooting si Coco Martin with Toni Gonzaga last Monday pero since nakatango kami ng manager niyang si Biboy Arboleda sa event na iyon, we requested na ma-pack-up siya sa shooting by 9 p.m. para umabot sa event and thank God – nakarating on time si Coco.

Ang maganda lang kasi kay Coco, hindi siya maarte ever since. Napaka-humble talagang bata kaya hindi nagsasawa ang kaniyang mga tagahangang suportahan siya sa lahat ng projects niya.

Lalo na si Nanay Rosie, na walang bukambibig kungdi ang pangalan ni Coco Martin. Pati ang mister niyang si Tatay Leoning ay naging fan na rin tuloy ni Coco.

“Gusto kong makatuluyan niya si Julia Montes. Bagay na bagay sila,” ang sunod na pangarap naman ni Nanay Rosie. Wait lang po, Nay Rosie.

Ang usapan lang natin dito ay ang makita mo lang nang personal si Coco Martin – hindi po kasama sa package ang pamimili niyo sa kung sino ang dapat makatuluyan niya. Ha-hahaha!Ang cute talaga ni Nanay Rosie – sobrang gigil kay Coco.

Thanks to you, dear Coco. You made our nanay-nanayan happy – as in very happy talaga!  Samantala, dahil malapit na nga ang Araw ng mga Puso, natanong si Coco kung meron siyang planong makipag-date.

Sagot ng aktor, gustung-gusto raw niyang magkaroon ng ka-date sa Valentine’s day pero marami raw siyang trabaho that day.
May shooting daw kasi sila ni Toni on Feb. 14, pero sana raw kung magkakaroon ng chance ay maisingit niya ang pakikipag-date sa araw na ‘yun.

Marami naman ang naniniwala na si Julia Montes talaga ang special someone ni Coco pero ayaw pa nilang aminin sa publiko for security reasons. Ha-hahaha! For security reasons talaga.

Kami naman ay naniniwala na deserve naman ni Coco na lumigaya sa piling ng babaeng minamahal niya. Kaya let’s wait na lang kung kailan niya ito ibabandera sa buong mundo.

Kasi, sa dami ng achievements niya, lovelife na lang talaga ang kulang sa kanya, di ba?

Read more...