DEAR Madam,
Nais ko lang po isanguni ang aking problema sa PhilHealth. Na-CS po ako sa Laurel Provincial Hospital sa Tanauan, Batangas noong Abril, 2014. Na-cover naman po ng PhilHealth ang ilan sa mga gamot subalit ang akin pong nagastos ay umabot ng P30,000 at lahat ng resibo ay ini-apply ko sa Philhealth for reimbursement.
Hanggang ngayon po ay hindi ko pa nakuha ang kaukulang amount na sinasabi nila na maibibigay sa akin.
Saan po ba ako pwedeng lumapit para mabigyang linaw ang aking refund?
Maraming salamat po.
Ma. Magdalina
Flores
REPLY: Pagbati po mula sa Team PhilHealth!
Ito po ay tungkol sa katanungan ni Bb. Flores na ipinadala sa Aksyon Line hinggil sa claim reimbursement.
Upang maberipika ang inyong rekord at ito ay mabigyang linaw, mangyari lamang po na kayo ay direktang makipag-ugnayan sa amin sa numerong (02) 441-7442 o mag-email sa actioncenter@philhealth.gov.ph at malugod po namin kayong paglilingkuran.
Maaari rin po kayong makipag-ugnayan sa PhilHealth Regional Office – IV-B na matatagpuan sa Caedo Commercial Center, Calicanto, Batangas City o tumawag sa (043) 300-4342 Loc. 304 o 310.
Maraming salamat po.
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter: @teamphilhealth
Facebook: www.facebook.com/PhilHealth
Call Center: 441-7442
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line?
Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.