Zanjoe posibleng ma-in love kay Beauty

zanjoe marudo
Ang Dream Dad ni Zanjoe Marudo kasama sina Jana “Baby” Agoncillo at Beauty Gonzales ang isa pa rin sa mga pinag-uusapan ngayong serye sa TV.

Tanda mo bossing Ervin na malakas ang Dream Dad sa Los Angeles kung saan kami nanirahan ng ilang araw noong Disyembre, 2014 at tinatanong nga kami kung kailan din magso-show doon ang mag-amang Baste at Baby.

Marami kasi ang nakukyutan sa bagets, sabi nga ng ilang nakakausap namin, baka nga gusto na rin itong ampunin ni Zanjoe sa tunay na buhay.

Anyway, base sa kuwento ng serye ay hindi na matutuloy ang pag-ampon ni Baste kay Baby, ibabalik na niya ang bata sa orphanage.

Magiging malungkot na naman si Baste dahil sobrang apektado siya sa nangyari dahil nga itinuring na niyang tunay na anak si Baby at gayun din ang bata, itinuring na rin siya nitong tunay na ama.

Ipakikita rin ang birthday celebration ni Ms. Gloria Diaz bilang si Nenita na ang tanging wish ay matuloy na ang adoption ni Baby. Samantala, ang love interest cum secretary ni Baste na si Beauty sa karakter na Alex ay magbabago na ng imahe, as in ikagugulat ito ng televiewers dahil total make-over ang gagawin sa kanya para goodbye na sa kanyang manang image.

Sayang nga lang bossing Ervin, kung pareho sigurong single sina Zanjoe at Beauty, baka posibleng magkagustuhan din sila sa tunay na buhay? Ang ganda at ang sexy kaya ni Beauty!

Read more...