Pinukpok pa ng bote sa ulo ng isang katropa
NAKATANGGAP kami ng tawag mula sa isa naming source kahapon ng umaga tungkol kay Albie Casino, isinugod daw sa isang hospital sa Makati City ang binata dahil duguan ang ulo nito sanhi ng pagkakapukpok ng bote.
May kinalaman din daw sa insidente ang ex-girlfriend nitong si Andi Eigenmann.
Ang simulang kuwento sa amin, “Palabas na si Albie ng Fiamma (bar) kasama ang mga kaibigan niya ng bigla siyang hatawin ng bote sa ulo ng ka-date ni Andi at nakita na lang napayuko siya at hawak-hawak ang ulo, duguan na pala.
“Itinakbo si Albie sa hospital at bandang 10 a.m. na pinalabas kahapon para makapagpahinga sa bahay nila,” sabi pa ng aming kausap.Base sa kuwento ay nauna na raw binuhusan ni Andi si Albie ng red wine nang magkita sila sa Fiamma bar (Jupiter, Makati City) noong Sabado ng madaling araw at hindi na lang daw kumibo ang aktor at dumiretso sa men’s room para linisin ang sarili at pagkalabas daw ay niyaya na siya ng mga kaibigan nitong umalis na lang sa nasabing bar para umiwas na sa aktres na galit na galit daw.
“Siguro, nainis si Andi kasi hindi siya pinatulan or wala siyang narinig mula kay Albie kaya ayun, nauwi sa gulo.
Sinampal pa nga raw niya si Albie,” kuwento pa sa amin.
Nakausap din namin ang isang taong malapit kay Albie at galit na galit daw ang lolo nito at naghahanda na raw sa kanilang demanda laban kay Andi. “Ano pa ba ang gusto ni Andi, binuhusan na niya ng red wine si Albie sa harap ng maraming tao, napahiya na ‘yung bata, hindi pa nakuntento, pinasundan pa sa ka-date niya para hatawin ng bote?
Naghahanap ba talaga sila ng gulo, umiiwas na nga ‘yung tao. “Galit na galit din ang mommy ni Albie, out of town daw ngayon kaya biglang napauwi.
Naghahanap na raw ng abogado,” say pa ng aming source. Nag-ugat ang galit ni Andi kay Albie dahil hindi nito pinanagutan ang anak nilang si Adrianna Gabrielle na ilang buwan na ngayon.
Naiintindihan namin ang galit ni Andi kay Albie, pero sa pagkakataong ito ay wala na sa lugar ang ginawang pananakit diumano ng batang aktres sa diumano’y ama ng kanyang anak.
Dagdag pa ng aming source, “Ano pa ba ang gusto ni Andi, umalis na nga ng showbiz si Albie, at ipinagpatuloy na lang ang kanyang pag-aaral sa La Salle, tapos ginugulo pa rin niya?” Bukas naman ang pahinang ito para sa panig ni Andi at ng kanyang pamilya.
Dapat siguro magsalita agad si Andie Eigenmann tungkol sa isyung ito para maging maliwanag sa ating lahat kung ano ba talaga ang tunay na nangyari.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.