Horoscope, February 11, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Sa panahong ito, ang lahat ng mga suliranin noong nagdaang araw ay unti-unti nang lilisan. Sa pag-ibig, mainit na romansa ang malalasap. Sa pinansyal, dagdag na kita ang makakamit. Mapalad ang 2, 11, 25, 33, 32 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Om.” Pink at green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) – Lumayo ka sa mga taong malas, mahahawahan ka lang nila. Sa pag-ibig, wag kukuha ng kasuyo na may history ng broken relationship dahil malamang na magkakahiwlay din kayo. Mapalad ang 8, 17, 26, 34, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Rhata-Om.” Silver at maroon ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) – Walang kaabog-abog ay biglang mapapasaiyo ang magandang kapalaran. Sa buwang ito, pera at masayang pag-ibig ang darating, ganoon pa man, laging may nakaambang tukso na dapat iwasan. Mapalad ang 3, 6, 24, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Lilac at red ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) – Wag masyadong magtiwala sa mga kaibigan, may babala na maloloko ka na naman! Sa pinansyal at pag-ibig, isa lang ang dapat pagkatiwalaan – ang kasuyong isinilang sa buwan ng Disyembre. Mapalad ang 6, 9, 18, 22, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jhana-Nama-Om.” Violet at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) – Pagmalasakitan ang mga kamag-anak dahil sa bandang huli ay sila rin ang tutulong sa iyo. Kung magiging makasarili, hindi ka masyadong uunlad. Sa pag-ibig, ibahagi sa lahat ang iyong pagkalinga upang mas madali kang yumaman at lumigaya. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Green at peach ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) – Wag sabayan ng init ng ulo ang mainit na panahon. Sa pinansyal, sa pamamagitan ng diplomasya ay lalong aangat ang kinikita. Sa pag-ibig, upang lumamig ang ulo ay yayain mong mag-swimming ang kasuyong Aries. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Narada-Nirayana-Om.” Yellow at red ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) – Wag magtanga-tangahan, matalino ka naman, bakit hindi mo paunlarin ang inyong buhay? Mula ngayon, puro pera ang isa-isip, makikita mo paglipas ng limang taon ay mayamang-mayaman na ka na. Mapalad ang 8, 17, 24, 33, 39 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Harum-Harim-Aum.” Blue at purple ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) – Umiwas sa mga taong maraming kuwento. May babala na muli ka na namang maraket ng malaking halaga. Sa pag-ibig, sundin ang mungkahi ng kasuyo upang maingatan ang natitirang savings. Mapalad ang 7, 16, 25, 29, 34, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Jhana-Om-Yama.” Beige at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) – Paghandaan ang pagbabalik ng minamahal! Tunay ngang kahit mahirap ang buhay, bigyan mo ng isang romantic na selebrasyon ang kanyang pagbabalik. Kahit na medyo kuripot ka, ilibre mo ang iyong kasuyo sa isang mamahaling restaurant. Mapalad ang 8, 17, 26, 35, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namoh-Om-Nameh” Lilac at orange ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) – Uunlad ka kung maitutuwid at maitama mo muna ang iyong mga pagkakamali. Sa pag-ibig, matapos mong ma-realize na may mga pagkukulang ka sa iyong kasuyo, humingi ka ng sorry upang muling uminit ang inyong relasyon. Mapalad ang 4, 13, 21, 28, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Dega-Om.” Red at green ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) – May magandang kapalarang darating. Sa pinansyal, batiiin nang buong galak ang mga nakatataas sa iyo upang dagdagan ka nila ng suweldo. Sa pag-ibig, tuloy ang mainit na pakikipagrelasyon sa isang Cancer. Mapalad ang 5, 13, 23, 32, 35 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Gray at blue ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) – May kanya-kanyang suwerte ang buhay! Sa kalagitnaan ng buwan ng Abril hanggang sa katapusan ng Mayo ay darating na ang suwerte mo sa pag-ibig at sa salapi. Kapag naging masagana ang buhay, magtipid upang hindi mawaldas ang pinaghirapan. Mapalad ang 2, 11, 20, 29, 33, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yoti-Bhama-Om!” Gold at green ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) – Wag mangako kung hindi naman kayang tuparin! Lumalabas kasing nagmamayabang ka lang. Sa pag-ibig at pinansyal, panatiliin ang pagpapakumbaba upang mas madaling yumaman at lumigaya. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Bhakti-Yoga-Om.” Yellow at purple ang buenas.

Read more...