Napeñas dapat bang hangaan?

I admire the courage and leadership to his men of P/Dir. Getulio Napeñas Jr.. His decision not to inform the troops on the line about the actual launch of Oplan Wolverine is a commander’s prerogative compelled and dictated by previous experience.

They targeted an area controlled by the Moro Islamic Liberation Front (MILF) and any leak of the operation could compromise their operation.
Maging si retired Marine Colonel Ariel Querubin ay nagsabi, tama si Napenas sa pasyang hindi makipag-coordinate sa MILF at maging sa militar sa targeted area dahil sa maaaring makompromiso ang operasyon.
May umiiral na agreement sa puwersa ng pamahalaan at ng MILF tungkol sa koordinasyon ng anumang operasyon at ito ang mismong iniwasan ni Napenas.
He did not buckle and relayed the same message he told me in his first interview on the Mamasapano operation. Wala siyang tiwala sa MILF.
Ganito rin ang experience ni Querubin.In his previous operations in Basilan when he was still active in the AFP, nakumpromiso ang kanyang mga oeprasyon sa sandaling ma-leak ang operasyon sa MILF.
Kaya sa mga sumunod na operasyon, tulad nang ginawa ni Napenas, hindi na ikinoordinate sa MILF ang mga ito.
“Bakit ko naman sasabihan ang MILF gayong mga kamag-anak nila ang hinahabol namin noon sa Basilan?”
The same is true in the case of Napenas. Alam niya na magkakamag-anak ang tropang nagkakanlong kay Zulkifli Bin Hir alias Marwan.
Ito ay inamin din ng liderato ng MILF sa mga unang araw matapos ang pagkamatay ng 44 na SAF-officers and members.
Magkakamag-anak ang mga nasa MILF at mga puwersa ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), mismong pag-amin ni MILF Chief Negotiator Mohajer Iqbal.
Ibang kuwento, ibang aspeto ang hindi pagpapaalam sa kanyang mga direct superiors, sina PNP Officer In-Charge Dep. Director Leonardo Espina at Interior Secretary Mar Roxas.
Dito na papasok sa kuwento ang direktang pakikialam ng isang suspendidong hepe ng PNP.
By virtue of his suspension, Purisima should have nothing to do whatsoever in any operations on the ground not even consulted on jargons and intricacies of the operation, but again…that maybe a Presidential prerogative.
Iyang bahaging iyan, i-namin ng pangulo sa kanyang unang pagsasalita sa bayan, ilang araw matapos ang madugong operasyon.
Dito na papasok kung saan nagmumula ang lakas ng loob ni Purisima na makialam, kumumpas sa isang malaking operasyon na tulad ng nangyari sa Mamasapano sa lalawigan ng Maguindanao.
Sa ikalawang address to the nation, inamin ng pangulo ang lalim ng kanilang pagsasama ni Purisima na naka-angkla sa tiwala.
Trust is a prerogative of anyone, whom to give it and when to give it. The Commander in Chief renders full trust to Purisima.
***
Matapang ang Oplan Wolverine. Mapangahas ang pagpasok sa lugar na naroon na ang lahat ng matataas na uri ng armas at naroon ang iba’t ibang armadong grupo, MILF, BIFF, isama na ang Private Armed Groups o yung tinatawag na PAGs.
Kaya nga lalo akong naniniwala na tunay na ka-tapangan at pagtupad sa tungkilin ang nangyari ng araw na iyon sa Mamasapano.
The fact that the PNP-SAF were able to penetrate the area controlled by the MILF-BIFF and PAGs was a feat, an achievement in a ground operation that the command was able to accomplish. Huwag nating
alisin sa kanila ang tagumpay na iyon.
Ito ang isa pang katotohanan at sa lahat ng mga nakausap kong opisyal at tauhan ng PNP-SAF, iisa ang kanilang sinabi, “nag-volunteer sila”, “alam nila ang kanilang papasukin”, “alam nila ang high risk mission na kanilang gagawin noong araw na iyon.”
***
Sa muli kong pakikipag-usap kay Napenas, sinabi niya na handa ang lahat na naroon sa anumang mangyayari. Alam nilang magkakaroon casualty ngunit walang umurong.
Was it a suicide mission I asked?
“Hindi ko tatawaging suicide mission, pero alam naming lahat na malaking laban ang naghihintay sa tropa,” sagot sa akin ni Napenas.
***
Punahin ang administratibong punto, kung sino talaga ang nagbigay ng go signal kay Napenas dahil wala pang umaamin ng malinaw, at hindi si Purisima ang pinatutungkulan ko.
Iba ang papel ni Purisima, mayroong iba pang sinunod ang utos at kung aamin ng direkta ay wala namang masama at walang dapat na ikahiya o itago dahil ito ay kasama sa kanyang tungkulin.
Kahit pa nga may tulong ang Estados Unidos ay kaya nilang ipaliwanag dahil hindi ito bagong bagay. Nangyari na ito sa nakaraan at bahagi ng common commitment ng pamahalaan ng Estados Unidos at ng Pilipinas sa paglaban o pagsugpo sa terorismo.
Kung hindi namatay ang 44; sabihin na nating 4 o di kaya 10 o 15 kaya lang ang namatay, baka nag-unahan pang umako na sila nga ang nasa likod nito, sila nga ang nag-bigay ng green light, kuwestiyunable man, baka pogi pa ang dating ni Purisima.

Read more...