Magkakatrabaho na ba ngayong 2015?

 

Sulat mula kay Wilma ng Poblacion, Tungawan, Zamboanga City
Dear Sir Greenfield,
Matagal na akong naghahanap ng trabaho pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong trabaho. Marami na akong inaplayan at ang sabi sa akin tatawagan na lang daw ako pero hanggang ngayon hindi pa rin ko natatawagan. Nahihiya na nga ako sa bahay kasi ang tagal ko ng gradweyt ng kursong HRM pero hanggang ngayon palamunin pa rin ako. Sir Greenfield kailan po kaya ako makakahanap ng trabaho para hindi na ako maging pabigat sa aming pamilya? November 18, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Wilma ng Tungawan, Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Kung hindi ka magiging mapili sa trabaho sa tulong ng isang kakilala, makikita mo ngayon ding taong ito ng 2015 sa buwan ng Marso ang “gumandang Career Line dahil sa tulong ng isang tao” (Illustration 1-1 arrow 1. at arrow 2.) sa iyong palad ay kusang matutupad, nagsasabing kung kahit anong offer na trabaho ay tatanggapin mo basta’t marangal, tulad ng nasabi na, may tutulong sa iyong tao at sa buwan ng Marso sa taon ding ito ng 2015 – magkakaroon ka na ng trabaho.

Cartomancy:

Queen of Diamonds, Three of Clubs at Seven of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang babae na dati mo na ring kakilala, tiyak ang magaganap sa isang kumpaya na may kaugnayan sa pagkain at sa tubig, matatanggap ka at di magtatagal doon ka na rin mare-regular.
Itutuloy…

Read more...