Hiwalayang JOHN LLOYD-SHAINA di alam ng ABS

NALILITO na rin ang mga taga-Star Magic sa balitang hiwalay na sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, nabasa nga lang daw nila ito sa isang showbiz website.

“Nagulat nga kami, wala naman kasing sinasabi sa amin at saka kapag may ganyang hiwalayan, nalalaman agad namin.

E, this time, wala naman.

O, baka hindi palang ipinararating sa amin,” say ng taga-Star Magic.

Nagtanong naman kami sa adprom manager ng unit ni Deo Endrinal sa ABS-CBN na si Biboy Arboleda kung kumusta si Shaina sa taping ng afternoon seryeng Kung Ako’y Iiwan Mo kasama sina Bangs Garcia at Jake Cuenca.

“Actually, tinanong ko rin si Ethel (Espiritu, program manager ng KAIM) kung kumusta nga si Shaina, okay naman daw, very professional at maayos ang trabaho.  Hindi mo nga alam na may isyu pala, kasi okay siya.

“E, pag ganu’n Reggs na maayos ang trabaho, hindi naman apektado at hindi naman nakakagulo sa flow ng taping, wala naman kaming masasabing hindi maganda.

At wala rin napapansing may problema nga sila ni John Lloyd.

“Actually, nabasa lang din namin ‘yang hiwalayan na ‘yan, hindi namin sure kung totoo.

Ang makakasagot naman kung totoo ‘yan, e, sina Lloydie at Shaina mismo.

At ngayon ay hindi namin sila tinatanong kasi busy sila sa kani-kanilang work,” paliwanag sa amin ni Biboy.

Ayaw kasi naming maniwalang hiwalay na sila dahil kailan lang ay nabanggit ni Shaina na sobrang okay sila ngayon ng boyfriend niya at huwag na raw silang guluhin.

Tapos heto, biglang hiwalay na?

Nasulat namin dito kahapon sa BANDERA na hindi totoong si Angelica Panganiban ang dahilan ng gusot nina Shaina at JLC.

Ayaw naman naming isiping advanced promo ito para sa movie nina John Lloyd at Angelica? Ang cheap, huh!

O, promo ng movie na “The Mistress” nina Lloydie at Bea Alonzo?

Naniniwala kaming hindi na naman kailangan ang mga ganitong issue dahil matatag na ang loveteam ng dalawa.

Alangan namang promo ito para sa Kung Ako’y Iiwan Mo dahil okay naman ang feedback ng show kaya para saan ang isyu?

May tinext kaming taong malapit kay Shaina pero hindi pa niya kami sinasagot.

Read more...