ANGELICA, LLOYDIE may video scandal daw?

Ibinandera ng mga follower ni Derek Ramsay sa Twitter

NAGHAHANAP na raw ng bagong bahay na matitirhan itong si Angelica Panganiban.

Gusto niya ay sa bandang Quezon City lang para malapit sa kanyang work.

Actually, may bahay naman si Angelica kaya lang ay ibinigay na niya ito sa kanyang surrogate mom.

Type na raw umalis ni Angelica sa bahay na tinutuluyan nila ni Derek Ramsay.

Magkaaway kasi sila ngayon at para hindi sila magbanggaan ay gusto ng dalaga na umalis na doon.

Matagal nang natsitsismis na live-in na ang dalawa kaya naman hindi na kami nagtaka when somebody told us na Angelica wants to leave the house na.Sinasabing si John Lloyd Cruz ang third party sa split-up ng dalawa.

Nagselos daw si Derek nang malamang nakipaglampungan ang girlfriend sa boyfriend ni Shaina Magdayao while shooting a movie in Vietnam.

Isang follower ni Derek, si Angel Suazo, ang nag-tweet ng ganito, “We have videos of angelica and lloydie kissing… dont deny if its bcoz of 3rd party… she is not worth to live with.” Derek said he’s only aware of Angelica and Lloydie’s movie, ang alam niya ay nagtatrabaho lang ang dalawa.

“Angel did a movie with jld in Vietnam where they had scenes like that. Work is work. Take care,” sagot niya sa Twitter.

Pero na-discover namin sa Twitter na maging si Derek ay natsitsismis rin sa ibang babae.

A follower asked the hunk actor if it was true that he’s seen with Sam Pinto dahil na-blind item daw sila sa isang sikat na showbiz website, “I don’t even know Sam.

I’ve only worked with her,” tweet ni Derek.

May message naman si Derek sa girlfriend niyang si Angelica bago siya tumulak papuntang Boracay para sa isang event, “Be strong @IamAngelicaP.

We all know who you are and that there is no truth to what’s being said. I’m here for you if ever you need anything.”

So, ano na nga kaya ang nangyari?

Read more...