BARAKO BULL ENERGY NAKISALO SA ITAAS | Bandera

BARAKO BULL ENERGY NAKISALO SA ITAAS

- , February 09, 2015 - 12:00 PM

Mga Laro sa Martes
(Araneta Coliseum)
4:15 p.m. Meralco vs Rain or Shine
7 p.m. Globalport vs Alaska Milk

BINALEWALA ng Barako Bull Energy ang matinding paglalaro ni Kia Carnival import Peter John Ramos tungo sa pagtala ng 95-86 pagwawagi at pagsalo sa itaas ng team standings sa kanilang 2015 PBA Commissioner’s Cup elimination round game kahapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Si Solomon Alabi ay kinamada ang 12 sa kanyang 26 puntos sa ikaapat na yugto at nakakuha ng sapat na tulong mula sa kanyang mga kakampi para mapigilan ang tangkang pagbangon ng Carnival threat at ihatid ang Energy sa kanilang ikatlong sunod na panalo.

Ito ang naging pinakamagandang panimula ng prangkisa magmula nang palitan ang Air21 noong 2012-13 season at sinabi ni Barako Bull head coach Koy Banal na ang makasalo sa itaas ang pahingang Meralco Bolts at Purefoods Star Hotshots ang naging pakay nila.

“The goal was to make it three in a row. This franchise hasn’t had that for a long time,” sabi ni Banal.

Si Ramos ay nagtapos na may game-high 34 puntos kabilang ang 17 puntos sa ikaapat na yugto na nakatulong para makadikit ang Kia sa tatlong puntos, 77-74. Subalit ang 7-foot-3 sentro ay hindi na nakaiskor sa huling dalawang minuto ng laro.

Sa ikalawang laro, tinambakan ng Barangay Ginebra Kings ang San Miguel Beermen, 95-82, para mauwi ang unang panalo sa tatlong laro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending