Anjo nag-sorry din kay Kris: Pinagalitan ko na si Jomari!!

anjo yllana

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito kahapon tungkol sa isa pang personalidad na humingi ng dispensa kay Kris Aquino bukod kay President Mayor Joseph Estrada, ito ay walang iba kundi si Quezon City Councilor Anjo Yllana.

Hindi lingid sa lahat na si Jomari Yllan  a ang may pinakamatapang na komento laban kay Presidente Noynoy Aquino dahil sa nangyari sa Fallen 44 dahil nakaka-relate nga ang aktor sa insidente, military din kasi ang tatay niya.

Kay Quezon City Mayor Herbert Bautista muna nag-text si Anjo na ipinasa naman kay Kris. A yon sa actor-politician, “Bernadette (tawag ni Herbert kay Kris), from Coun. Anjo Yllana- Mayor pag nakausap mo Kris, pakisabi pasensiya na kay Jom, napagalitan ko na din.

Pag nakausap mo lang Boss. Hehehehe. Thanks. Good day!”  Sabi pa sa amin ni Kris, nag-text din sa kanya si Anjo, “truth is I always cared for you. Thank you Mare.  If there’s anything…sorry and kaya n’yo ‘yan.”

Sabi ng TV host ay gumaan na ang pakiramdam niya ngayon dahil okay na siya. Sa Peb. 14 ay masayang ise-celebrate ni Kris ang kanyang kaarawan at humingi raw siya ng bakasyon sa ABS-CBN dahil lalabas sila ng bansang mag-iina.

Sa Japan daw ulit ang tungo nina Kris, Josh at Bimby kaya tinanong namin kung ano at sino ang binabalikan niya sa nasabing bansa, “The food, the weather, the tamang distance lang, the people and happy place NAMIN ng two (2) boys,” sabi ng Kris TV host.

At ang wish ni Kris sa kanyang 44th birthday, “Sa Mom ko kasi basta birthday, dapat ‘yung nagbi-birthday happy.  So sana matapos na lahat ng problema, mahuli lahat ng kailangang managot and si PNoy maging happy.

“For myself Reggs, na lahat ng nagpakita ng kabutihan sa akin when I needed the love and strength, sana God will make them happy and blessed.”

Advance happy birthday Kris!

Read more...