Kapansin-pansin na ang pagpayat ng highest-earning showbiz celebrity ng 2011 na si Kris Aquino sa kanyang morning show na Kris TV sa ABS-CBN.
Last Monday, nag-live si Kris sa Kris TV fresh from her trip sa Bangkok kung saan nag-shoot siya for her Olay TV commercial.
Pagkatapos ng live, nag-taping si Kris ng apat na episodes for her morning show. Tuesday naman nag-taping siya for the series Kailangan Ko’y Ikaw.
Habang ang anak niyang si Bimby ay nag-VTR para sa Nido kasama ang pinsan na si Jiggy Cruz.
Noong Wednesday, nag-pictorial naman si Kris para sa Filinvest. At Huwebes, balik taping uli sa kanyang teleserye. Tapos taping ulit siya ng another four episodes para sa Kris TV.
At sa gabi, nag-dinner sila ng paborito niyang direktor na si Chito Roño.
Sa Sabado taping ulit siya ng kanyang teleserye.
Todo-todo na ang pag-iipon ni Kris ng episode for Kris TV dahil nakatakda na naman silang magbakasyon out-of-the country na mag-iina.
Matagal nang naka-block-off sa schedule ni Kris ang trip abroad niya with Joshua and Bimby.
Sinasamantala kasi ni Kris habang bakasyon pa ang mga bata.
Pagdating sa mga anak priority talaga sa schedule ni Kris ang mga bagets.