RHIAN: Hindi na ako takot!

‘The Road’ ng GMA Films hahataw sa US

IBANG-IBA na ang aura ngayon ni Rhian Ramos.

Kung noon ay kitang-kita mo sa itsura niya ang pag-aalinlangan at takot, ngayon ay normal na normal na uli siya.

Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat kung gaano katindi ang pinagdaanan niya nitong mga huling buwan, di ba?

Nakachika namin kahapon si Rhian sa send off ng mga members ng cast ng horror film na “The Road” ng GMA Films patungong Amerika kung saan nga ipalalabas ang pelikula sa key major theaters doon.

In fairness, maaliwalas na ang mukha ni Rhian at game na game na uli siya sa pakikipagchikahan sa press. Ibang-iba na rin ang smile niya ngayon kesa dati na halatang pilit na pilit, dahil nga mainit pa noon ang kontrobersiyang kinasangkutan nila ni Mo Twister.

And yes, lumalabas-labas na raw uli ngayon si Rhian, pero hindi naman daw niya masasabing nakikipag-date na uli siya ng seryoso.

“Medyo madalas na rin akong lumalabas ngayon, pero hindi naman matatawag na date talaga.

Ine-enjoy ko lang kung company ng mga taong tototong nagmamahal at nagmamalasakit sa akin,” pahayag ni Rhian na nakatakda ngang magtungo sa Los Angeles, California para sa pagsisimula ng screening ng “The Road” kasama sina Marvin Agustin, Lexi Fernandez and Alden Richards.

Nauna nang lumipad sa US ang direktor ng movie na si Yam Laranas para asikasuhin ang red carpet premiere sa Arclight Cinemas sa LA.

Dagdag pa ni Rhian, “Alam mo, sobrang naa-appreciate ko ngayon lahat ng meron ako, at sobrang naa-appreciate ko ‘yung suporta ng mga taong nasa paligid ko.

“Noon kasi, hindi mo nahahalata na, parang the whole time pinapaniwala mo yung sarili mo na it’s not so bad, parang okay lang, okay lang.

Pero once na na-experience mo na nakalabas ka, nakita mo yung buong buhay mo, when you see the bigger picture, ang swerte-swerte mo pa rin pala.

“Now I’m so happy, to have my family, to hang out with my sister, and to have my friends and to not be scared,” say pa ni Rhian.
So, talagang natakot kang harapin noon ‘yung problema?

“Nangyari rin ‘yun, pero that was because parang siguro nga na-traumatize ako, medyo at that time I was alone talaga, parang ayokong lumabas and when I got out of that, na nag-decide ako na subukan kong lumabas uli at ayusin na ang lahat, du’n ko nakita na it’s so much better now. Sobrang na-appreciate ko talaga yung buhay ko.”

Anyway, excited na rin si Rhian sa pagtungo sa Amerika dahil matagal-tagal na rin siyang hindi nakalabas ng bansa, “Pero siyempre mas excited ako dahil imagine, isang Filipino movie na kasama ka, mapapanood ng mga nasa US? Ibang level na ‘yun.

Kaya sana suportahan nila dahil magandang opportunity ito para sa ating lahat na Pinoy!”

Magsisimula ang regular showing ng “The Road” sa mahigit 50 sinehan sa US sa May 11, “Both GMA Films and Freestyle Releasing have put so much effort in preparing for this much-awaited event.

We’ve been planning this for almost four months now and we’re glad that everything is happening according to our plans,” ayon kay GMA Films President Annette Gozon-Abrogar.

Kasama rin sa “The Road” sina Carmina Villaroel, TJ Trinidad, Derrick Monasterio, Barbie Forteza, Louise delos Reyes, Ynna Asistio at Renz Valerio, with Jaclyn Jose, John Regala, Lloyd Samartino, Gerald Madrid at Allan Paule.

At para naman sa mga hindi nakapanood ng “The Road” dito sa Pilipinas, due to insistent public demand ipalalabas uli ito in some selected theaters simula May 9.

 

Read more...