DEREK: Walang ibang lalaki si ANGEL!

Hindi raw totoo na ipinagpalit siya kay John Lloyd

NAKATSIKAHAN namin ang isa naming source mula sa ABS-CBN tungkol sa hiwalayang Derek Ramsay at Angelica Panganiban, may third party daw kasi kaya matindi ang naging sitwasyon.

Pero mariing pinabulaanan ito ng aming source, maging si Derek ay nilinaw ang issue, wala raw ibang taong involved sa pinagdadaanan nilang problema ngayon ng aktres.

Kuwento mismo sa amin ng taga-Dos, “Oras ang pinag-awayan nila, Reggs, hindi ibang tao or may iba si Angelica o si Derek, walang ganu’n.

Bihira na kasi silang magkita kasi nga both are busy, lalo na nu’ng lumipat si Derek sa kabila (TV5) so, mas lalong nawalan na ng panahon.

“Last time raw na nagkita sila ay ‘yung nagpunta pa sila sa Hawaii para magbakasyon, kailan pa nga naman ‘yun? Hoping sana na magkasama sila noong Holy Week, kaso may shoot si Angel sa Vietnam with Lloydie (John Lloyd Cruz), so, si Derek hindi naman puwedeng sumama, pumunta ng Australia kasama ang friends at doon nagbakasyon, nag-golf,nag-swimming.

“Hoping ang dalawa na magkikita na after that, e, biglang may shooting pa rin si Angel plus taping ng Banana Split, si Derek naman busy naman sa training for Frisbee ngayon sa Boracay, so wala na talagang time.

“Isang buwan nasa Japan si Derek for the Frisbee sa June, pagbalik lipad naman siya ng London for his show sa kabila, so wala talagang oras.

“Iyon ang reason bakit sila naghiwalay, pero ang alam ko, may communication sila, they talk everyday at inaayos nila.

So, siguro kailangan lang nilang magkita at magkasama ng matagal para mawala ang mga init ng ulo nila,” detalyadong kuwento ng aming kausap.

So, oras pala ang dahilan ng paghihiwalay, e, bakit nadamay ang pangalan ni Lloydie na sinasabing siyang dahilan ng break-up?

“Parang hindi ka naman nasanay sa showbiz, e, siyempre nagkasama ‘yung dalawa sa Vietnam, so may kulay na.

Hindi naman puwedeng i-link si Angelica kay Piolo Pascual para sa ‘Every Breath U Take’ dahil hindi naman pumapatol si Piolo sa ganyang gimik at saka tantanan na si Piolo, give him a break!” katwiran pa nito sa amin.

Sabagay, nang i-text namin si Derek noong isang araw ay inamin niyang may pinagdadaanan nga sila, pero hindi niya kami sinagot sa tanong namin kung totally break na sila kasi nga may communication pa sila ni Angelica.

Samantala, nakatanggap naman kami ng mensahe mula sa manager ni Derek na si Jojie Dingcong kahapon, “Hi dear! Cool off lang talaga.

Derek and Angelica are good people and both are dear to me. For now, I want to give muna Derek and Angel the space and privacy they deserve. So they can resolve things in peace.

Let’s just pray for both and wish them well.”

Read more...