Iba rin talaga kapag solid Vilmanian ka.
Aba’y kahit ilang dosenang beses na naming napanood ang mga movies ng Star for All Season at dear-idol friend-kumare natin, go pa rin kami sa UP Film Center noong Huwebes ng gabi para panoorin ang lumang pelikula niya na pinalinaw sa pamamagitan ng bagong teknolohiya.
Yes, sa gitna ng mga busy naming seminar at iba pang iskedyul, naki-join talaga kami sa mga solid Vilmanians dahil masarap namnamin yung mga moment na pumi-pila ka sa sinehan ng isang Vilma Santos movie.
Ni-restore ng ABS-CBN Film Archive ang tatlo sa pinakamagagandang movies ni Ate Vi (though personally, we also want to see yung mga classic movies talaga mula sa Regal, Viva at Sining Silangan) gaya ng “Anak”, “Kapag Langit Ang Humatol” at ang “Bata, Bata Paano Ka Ginawa” na enjoy na enjoy bigkasin ng anak naming si Neeyong. Ha-hahaha!
Anyway, even without the invite from ABS-CBN Corporate Communciation, pinuntahan namin ang okasyon and had a moment with ate Vi kahit na sandali lang.
Sayang lang talaga na hindi namin natapos ang na-restore version ng award-winning Chito Roño classic na for sure ay ilang dekada ring mae-enjoy ng mga new breed of moviegoers dahil sa mas mukha itong bago at higit na maganda.
Still on Ate Vi, siya pa lang ang kauna-unahang aktres na binigyan ng ganu’ng para-ngal ng UP System. Bilang kauna-unahan ding Gawad Plaridel awardee mula sa kolehiyong pinagtapusan namin, proud na proud ang UP communtiy sa body of work ni Ate Vi as an actress.
In fact, this Feb. 12 ay tatanggapin niya ang Gawad Ani mula sa NCCA, pagpa-patunay lamang ng kanyang malaking impact at presence sa industry.
Ibinalita rin ni Ate Vi na magkakaroon siya ng guesting sa ASAP on Feb. 22 at dapat daw naming abangan ang kanyang live song number. Ha-hahaha!
Anytime soon din ay magsisimula na ang movie nila ni Angel Locsin at sinang-ayunan nito ang ampon naming si Luis Manzano sa sinabi nito kamakailan na dahilan kung bakit hindi niya tinanggap ang role sa naturang movie nila ni Angel.
Basta ang malinaw na sinabi ni Ate Vi, longing for a grandchild na sila dahil wala na daw silang baby sa bahay. “Siyempre (excited) pero ang huling desiyon ay nasa kanila.
Ngayon ang hinihintay ko na lang ay apo, yun lang, hanggang doon lang. My son is mature enough to decide for himself nasa sa kanya yon kung ano ang gusto niya sa buhay niya.
Pero kung magkatuluyan sila ni Angel definitely isa ako sa magiging maligaya,” ani Ate Vi.