Ang boyfriend na ba ang makakatuluyan?

Sulat mula kay Kate ng Lasang, Riverside,  Davao City

Dear Sir Greenfield,
May boyfriend ko sa ngayon, tawagin na lang natin siyang Patrick. Ang problema dalawa kaming girlfriend nya, pero lagi nya namang sinasabing mas mahal nya ko don sa isa, humahanap lang daw siya ng tamang panahon para makipag-break na sa una nyang girlfriend. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung totoo kaya ang sinasabi ng boyfriend ko na mas mahal nya ako doon sa isa nyang GF at sure win na kaya ako sa puso nya na kung sakaling magpapakasal at mag aasawa na siya ako kaya ang pipiliin nya? Mahal na mahal ko kasi ang boyfriend kong ito, kasi marami na rin sa aming nangyari? November 7, 1990 ang birthday ko at February 3, 1988 naman ang birthday ng boyfriend ko.
Umaasa,
Kate ng Lasang, Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Dalawa ang namataang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at arrow 2.) sa iyong palad, isang maikli na biyak at magulo (arrow 1.) at isang malinaw na mahaba (arrow 2.). Tanda na hindi ang unang boyfriend mo ang iyong makakatuluyan, kundi ang ikalawa na paparating pa lamang.
Cartomancy:

Jack of Spades, Six of Hearts at King of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing dalawang lalaki ang seryosong darating sa iyong buhay, ang una ay hindi mo makakatuluyan, habang ang ikalawa na mas matanda kaysa sa una ang iyong makakatuluyan. Darating ang nasabing ikalawang lalaki ayon sa Six of Hearts sa buwan ng Hunyo sa taon ding ito ng 2015.

Itutuloy….

Read more...