Para sa may kaarawan ngayon: Bigla ang dating ng suwerte sa pag-ibig at sa pinansyal. Anomang magandang kapalaran ang dumating, ingatang mabuti, dahil kapag umarte-arte ka pa, bigla ring mawawala iyan. Mapalad ang 1, 19, 28, 38, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yamuna-Yasoda-Om.” Mapalad ang yellow at blue.
Aries – (Marso 21-April 19)—Sa pinansiyal, hindi dapat guluhin ang isipan sa mga problemang hindi pa naman dumarating. Kapag payapa ang isip mas maraming suwerteng darating, ganon din naman sa pag-ibig, kapag payapa ang damdamin mas masarap na romansa ang mararanasan. Mapalad ang 3, 18, 27, 31, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum!” Pink at orange ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Kailangan patawarin ang mga taong nagkasala sayo. Kapag marunong kang magpatawad, mas maraming biyaya ang darating. Sa pag-ibig, isang nilalang na naka-kulay red ang may lihim sayong pagtingin. Mapalad ang 9, 18, 24, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Factum-Pulcrum-Dominum.” Green at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Sa pagbabago at dagdag na inobasyon, mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, bagong romansa ang kailangang matuklasan, upang uminit ang relasyon habang lumalamig ang panahon. Mapalad ang 5, 14, 22, 28, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om”. Purple at pink ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Upang yumaman, kailangang sumiksik sa kukote mo ang pagiging materyoso. Tandaang hindi nakapagpapayaman ang bait at awa. Sa pag-ibig, hindi dapat kontrahin ang suwestyon ng minamahal. Oohan mo lang siya ng oohan. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padma-Purana-Om.” Blue at lilac ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Iwasang makasakit ng damdamin. Kikita ng malaking halaga kung hindi magiging prangka. Lagyan ng landi at lambing ang pakikipag-usap. Sa pag-ibig, lambingin ang minamahal, i-kiss mo siya sa neck. Mapalad ang 1, 10, 28, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Ubur-Minna-Absin-Galla”. Orange at green ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Ito ang tamang panahon upang daigin ang iba. Ituloy ang balak na negosyong may kaugnayan sa modernong teknolohiya at pagkain. Sa pag-ibig panahon na upang muling pag-alabin ang relasyon, kahit malamig sabay kayong maligo ng kasuyo. Mapalad ang 4, 15, 28, 34, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam”. Red at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Kung muli kang magpapaganda, mas madaling maaakit ang suwerte. Sa pag-ibig, kung maliligo kang lagi, matutukso na naman ang kasuyo na ikaw ay romansahin. Mapalad ang 6, 15, 24, 30, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Omne-Om.” Violet at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Nasa sarili pagsisikap ang ikauunlad. Wag umasa sa ibang tao. Sa sariling diskarte mas madali kang aasenso. Sa pag-ibig, ang pagtatampo ng kasuyo ay panandalian lamang. Mapalad ang 8, 16, 25, 29, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Cumuntantis-Soliferum-Aum”. Maroon at pink ang mapalad.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Wag mag-alala, nasa mabuting kalagayan ang minamahal. Imbis na guluhin ang isip sa pag-aalala at pagkabahala, mag-concentrate sa mga bagay na pagkakakitaan. Mapalad ang 6, 15, 21, 29, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Red at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Wag masyadong maging mahilig sa pagkain, upang hindi tumaba. Mentras sexy kang tingnan mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, iwasang maging chubby upang hindi iwanan ng minamahal. Mapalad ang 8, 15, 24, 33, 42, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Yoan-Govinda”. Pink at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— May immoral na relasyong nagbabanta. Madaragdagan ang iyong gastusin, kung patuloy kang magtataksil. Sa pag-ibig, hindi totoong masaya at masarap ang marami. Panatiliin ang pagiging matapat sa kasuyong Libra. Mapalad ang 7, 23, 32, 41, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Urbba-Minna-Om”.Yellow at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Hindi dapat pagsabay-sabayin ang mga negosyong naiisip, mag-concentrate ka lang sa isang negosyo. Sa pag-ibig, iukol ng buong-buo sa kasuyo ang iyong atensyon, upang higit kang lumigaya. Mapalad ang 2, 11, 29, 34, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Factum-Pulcrum-Dominum-Om.” Green at white ang buenas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.