Merong bagong endorsement itong si Heart Evangelista.
Nag-post ang aktres ng photo niya kasama ang isang Japanese guy na may-ari yata ng cheesecake from Japan na ini-endorse niya.Ang daming natuwa sa bagong endorsement ni Heart pero merong pakawalang fans ng isang aktres ang hindi happy para sa dyowa ni Sen. Chiz Escudero at pinaglalait ito. Sinabi ng hater kay Heart na hindi raw ito marunong magluto.
Talagang malaking issue para sa hater ni Heart ang hindi niya pagluluto. Ang laki ng problema niya. Sinabi pa nitong inggit at pressured si Heart na higitan ang wedding ng isang aktres. Bakeetttt?
Any which way we look at it ay mas classy, elegant at sophisticated naman ang magiging wedding nina Heart at Chiz Escudero, ‘no. The wedding venue alone reeks of class and sophistication.
Ang mga principal sponsors ay mga bilyonaryo so doon pa lang ay talagang tinalbugan na niya ang wedding ng iba diyan. Tatlong designers ang gagawa ng gown ni Heart, doon pa lang ay talbog na niya ang bagong kasal diyan sa tabi-tabi, ‘di ba naman?
Fans of Heart are quite sosyal. Kitang-kita naman sa mga comment nila na meron silang pinag-aralan, far, far away from the fans of you-know-who na palengkera, mal-edukado at walang modo!!!
“Mag-aasawa po cya di cya sasali ng cooking competition kaloka ka?? at fyi marunong cyang magluto?? Chiii!!! Hahaha.”
“Una sa lahat, marunong magluto si Heart.
Pangalawa, pinagluluto din siya ni sen. Chiz (ang swerte nila sa isat-isa no?). Pangatlo, sasali ba si Heart sa Masterchef? Kaloka haters, kahit ano na lang, wala na maipintas e!”
“Si Heart ba talaga ang pressured? It seems like it’s you and your Queen (eeeew) ang kinakabahan na dahil matatalbugan ang kanyang wedding.
Because if youre not threatened you wouldn’t waste your time… you won’t even bother checking Heart’s IG. @aplaya2014.”
‘Yan ang say ng defenders ni Heart laban sa supporters ni Marian Something.