Toni, direk Paul engaged na, ikakasal ngayong 2015

toni gonzaga
“I’m not pregnant!” Ito ang paglilinaw ni Toni Gonzaga kahapon sa The Buzz sa gitna ng mga chika na nagdadalang-tao na ang TV host-actress courtesy of direk Paul Soriano.

“Kakatapos ko lang (monthly period), so paano mangyayari ‘yun? Tsaka yan ang ikakagalit talaga ni Mommy Pinty!” sey pa ni Toni kasabay ng paglilinaw na hindi totoong nag-awa sila ng kanyang ina kaya hindi siya nakasipot last week sa The Buzz.

Aniya, wala silang away ng kanyang ina, “Hindi ako lumayas sa amin, hindi kami nag-away ng nanay ko. Kasi nga ang itinuro sa amin mula pa noong bata kami, wala kaming karapatang awayin ang magulang namin, pwedeng sumama ang loob namin, pero ang awayin sila, hindi yun pwede.”

Pero ang pinakabonggang revelation ay ang pag-amin nina Toni at Paul Soriano na sila’y engaged na. Bago pa magsalita si Toni ay tinawag na ni Kris si Paul sa The Buzz para ito ang mag-announce ng good news sa madlang pipol.

Sey ni Paul, si Toni na talaga ang babaeng gusto niyang makasama habangbuhay. Nangyari noong Jan. 21 ang proposal sa bahay nina Toni at kinumpirma rin nila na ikakasal na sila this year.

Matatandaang hindi nakarating si Toni sa birthday celebration niya sa The Buzz noong nakaraang Linggo, aniya sa kanyany mensahe sa madlang pipol, “I am very sorry.

I know it’s my birthday celebration sa Buzz. I’m very sorry but I cannot attend The Buzz this Sunday. I love my Buzz family so you will be the first people to know why. I’m just going through something very personal and I’m really sorry for the short notice.”

Read more...