PACMAN talbog sina MIKE VELARDE at ELI SORIANO

Totoo nga kayang nakakapagpagaling daw ng may sakit?

May mga common friends tayo mula sa mundo ng palakasan na naguguluhan talaga sa drama ngayon ni Manny Pacquiao.

Kapag nagpapatawag daw ito ng munting salu-salo, talagang yung Manny Pacquiao daw na nakilala nilang mabait, palabiro, matikas ang paninindigan sa larong boxing, at lider na lider pagdating sa mga planong pulitika ang nakikita nila.

Pero kapag usapang relihiyon na at ang pagiging malapit nito ngayon sa Diyos ang topic, bigla na lang daw nag-iiba ang atake nito, “Talagang magugulat ka dahil malayong-malayo du’n sa imahe niyang world-famous boxing icon siya.

Para siyang pinaghalo-halong Mike Velarde, Bro. Mike Villanueva at Eli Soriano, na may healing-healing on the side pa,” tsika ng aming mga kapatid sa sports writing.“Kaya nga kami nahihirapang makakuha ng istorya sa kanya ngayon dahil sa mundong very physical ang field niya, mahirap magkunek ng kuwento sa mga plano niya kung paano haharapin ang makakatunggali niyang si Timothy Bradley.

Sa international boxing stories, panay ang emote ni Bradley ng mga makasaysayan niyang hamon na siyempre ay type ng mga international correspondents covering the sport.

“Si Manny, kung hindi ka niya dadaanin sa mga Bible verses, e, mag-eemote siyang parang sugo ng kabanalan, na may suot na gloves,” ang kuwento pa ng kausap namin.

Naku, kapatid na Ervin, may mga naririnig nga tayong kuwento na kapag umano’y may staff siya na hindi sumasang-ayon sa kanya sa mga paniniwala niya sa relihiyon, e, mabilis pa raw sa upper cut ang pagsasabi nitong umalis na lang sa kanyang tropa.

May ganu’n talaga!?

Read more...