MIRIAM QUIAMBAO kinuyog ng mga BADING

Pagkatapos sabihing  galing sa demonyo ang kabaklaan

Subject of hate tweets ng mga bakla ngayon si Miriam Quiambao.

Marami na kaming nabasang interview sa ibang beauty queens on their opinion sa pagpapasok ng transgender sa Miss Universe.

Say nga ni Ms. Gloria Diaz na part ng “The Mommy Returns” ng Regal Films opening nationwide on May 9 starring Gabby Concepcion and Pokwang, kung ano raw ang uso ngayon, let it be na lang.

Si Miriam, 1999 First Runner Up ng Miss Universe, iba ang ginawang approach.

Instead of voicing out her opinion, nag-quote siya ng maraming Bible verses and ended up with her own quotation: “Homosexuality is not a sin but it is a lie from the devil.

Do not be deceived. God loves gays and wants them to know the truth.” Because of this, she is receiving so much flak not just from the transgender group but also sa maraming bakla following her.She apologized afterwards naman and maybe rong choice of words lang daw ang nagawa niya.

Still, ang naging payo sa kanya ng mga baklaaan, kung ayaw niya ng transgender sa Miss Universe, sabihin niya na lang at huwag nang gamitin ang Bibliya to express a circuitous opinion.

Oo nga naman, talagang dapat think while you tweet.

Kaya nga Miss Universe si Gloria at siya first runner-up lang.

Read more...