DIRETSONG inamin ng partner ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati na hindi pa rin okay hanggang ngayon ang kani-kanilang mga magulang.
At isa raw ito sa mga dahilan kung bakit hindi pa rin sila nagpapakasal ni Richard, kailangan muna nilang ayusin ang tungkol dito para wala silang magiging problema sakaling planuhin na nila ang kanilang wedding.
Nakachika ng entertainment media si Sarah sa presscon ng bago niyang pelikula, ang horror-suspense-romance na “Liwanag Sa Dilim” under APT Entertainment, at dito nga siya nagkuwento tungkol sa buhay nila ngayon ni Richard.
Kung matatandaan nagkaroon ng palitan ng masasakit na salita ang nanay ni Sarah na si Esther Lahbati at ang mommy ni Richard na si Annabelle Rama matapos ang binyag at birthday celebration ng kanilang anak na si Zion.
Ayon kay Sarah, “They’re getting there. Pray for them na lang. You know, it’s kind of hard because, you know, we’re partners, we don’t want that.
“We want everyone to be okay and happy. But as I said, we still have hope and it’s not a very big issue. Hindi siya big fight. It’s something normal that happens in families. May pag-asa pa naman ‘to. It’s not World War 3,” nangingiting pahayag pa ng aktres.
Hindi naman daw sila tumitigil ni Richard sa pag-e-effort na maayos ang gusot sa pagitan ng kanilang mga magulang,
“Siyempre, ang gusto ko lang naman ay maging okay ang lahat para walang conflict, walang ilangan, para lahat ay maging masaya.
“You know, I just keep hoping and praying na maging okay na ang lahat. But, you know, for me, it’s a normal thing na lahat ng pamilya, nagkakaroon ng ganu’n,” sabi pa ni Sarah.
Samantala, muling mapapanood si Sarah sa pelikulang “Liwanag Sa Dilim” na idinirek ni Richard Somes para sa APT Entertainment. Makakasama niya rito ang pambatong tambalan ng GMA na sina Jake Vargas at Bea Binene.
Siyempre, natutuwa si Sarah dahil balik-trabaho na uli siya matapos manganak, “It’s what I enjoy and it’s what I love doing. I’m grateful that I’m back working again and doing what I love.”
Pero tiniyak ng aktres na kahit nagtatrabaho siya ay number one priority pa rin niya si Richard ang kanilang anak, “I just try to balance my personal life and work. I just try to enjoy. I try to spend as much time to Zion kasi ang bilis niyang lumaki.
“So, ibinibigay ko yung schedule ko, yung free time ko kay Zion. Kailangan nandoon ako to see him,” aniya pa.
Nilinaw din niya na walang isyu kay Richard kung bumalik siya sa showbiz, wala rin daw ipinagbawal sa kanya ang aktor, “You know what, we respect each other. As long as ikagaganda ng career niya, ikagaganda ng career ko, we don’t try to hinder each other from growing and having a better career.”
At sa tanong muli tungkol sa pagpapakasal, tugon ni Sarah, “We are slowly planning things. We don’t wanna rush things. We wanna focus on Zion kasi he’s growing so fast. We’re focusing on him.”