Bea: Maaayos din ang problema!

BEA BINENE AT JAKE VARGAS

BEA BINENE AT JAKE VARGAS

MAY  hindi pinagkakaunawaan sina Bea Binene at Jake Vargas at hindi nila ito naitago sa nakaraang presscon ng pelikulang “Liwanag Sa Dilim” mula sa APT Entertainment.

Oo nga, pansin din namin na sa question and answer portion ng presscon ay hindi man lang nag-uusap sina Jake at Bea.

Kaya naman talagang kinulit ng media ang dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon, “Okay naman kami,” mabilis na sabi ni Jake.

Pero walang gustong maniwala kay Jake kaya si Bea ang tinanong at hindi na nakaiwas pa ang dalaga.
“Parang ang hirap i-turn into words. Basta kung anuman kami ngayon, okay kami, at kumbaga, nasa pahahon lang ‘yan. Kung anuman ‘yun, maayos din naman for sure. Maayos din ‘yun kahit ano po ‘yun. Basta kami, okay kami,” pagtatapat ng dalaga.

Samantala, ang pelikulang “Liwanag Sa Dilim” ang pinaka-launching movie nina Jake at Bea dahil sila na ang mga bida rito.

Kaya naman pressured si Bea, “Siyempre, hindi naman mawawala ‘yung pressure kasi siyempre, iba naman ito sa TV. Dito, kailangan pang magbayad ng mga tao para manood ng pelikula. Basta para sa akin, itong pelikulang ito, something to be proud of talaga. Nakaka-proud po siya and maganda po talaga.”

Read more...