VERY conspicuous ang disappearance ni Toni Gonzaga sa The Buzz last Sunday. Nagpaalam naman si Toni sa executives ng The Buzz and in fact, nagbigay naman siya mensahe sa televiwers through a letter na ipinadala niya.
Marami kasi ang nag-expect na may big announcement na gagawin si Toni sa Sunday talk show nila pagkatapos maglabasan ang balitang engaged na sila ng boyfriend niya for seven years na si Direk Paul Soriano.
Pero walang Toni na umapir bagaman earlier sa The Buzz ay nagkaroon pa siya ng birthday celebration sa ASAP. For sure, matindi ang dahilan para ‘di siputin ni Toni ang kanyang show, ‘no? E, kasasabi pa lang ni Luis Manzano sa kanya sa ASAP na isa si Toni sa pinaka-professional na Kapamilya stars ngayon.
Duda tuloy namin, which we shared sa kasamahang host ni Toni sa The Buzz at King of Talk na si Boy Abunda, na ‘di kaya may pamanhikan that same day sa bahay ng Ultimate Multimedia Star ang pamilya ni Direk Paul? Sabi ni Kuya Boy sa amin, ‘yun din daw ang tingin nila ng isa pa nilang host sa show, ang Queen of All Media na si Kris Aquino.
Sunday is a beautiful day para gawin ang pamanhikan. Sunday morning pareho ang magkaibang church service na dinadaluhan ng mga magulang nina Toni at Paul. Afternoon till evening, bonding time na ‘yan for the family.
E, si Toni, kahit Sunday ratsada sa trabaho mula tanghalian hanggang hatinggabi. Ha-hahaha! So, hirap talaga si Direk Paul na maghanap ng schedule ni Toni para sila makapamanhikan.
At ang isang option lang na nakita nila ay mag-cancel si Toni ng isa sa kanyang mga appointments. Naintindihan naman ito tiyak ng The Buzz since gaya nga ng sinabi ni Toni sa letter niya, she needs to attend to a very special appointment that time.
Malamang sa hindi, pagbalik ni Toni sa The Buzz next Sunday matutuloy ang big announcement na inaabangan tungkol sa kanila ni Direk Paul.