Mj Lastimosa sinabotahe sa Miss Universe

mj lastimosa
Hanggang ngayon ay may lagnat pa rin ang mga kababayan nating becki dahil sa katatapos lang na Miss Universe beauty pageant kung saan ang pambato nating si Mary Jean Lastimosa ay hanggang Top 10 lang ang inabot.

Okey na rin ang Top 10, napakaraming kinatawan ng ibang mga bansa na hindi nga nakapasok man lang sa Top 15, pero maraming kuwentong naglabasan pagkatapos ng patimpalak.

Maraming nagagalit sa tagapagtaguyod ng Bb. Pilipinas Charities na si Ms. Stella Araneta, ito raw ang dahilan kung bakit hindi nakapasok sa Top 5 si MJ Lastimosa, ito raw ang dapat sisihin dahil ang mga isinuot ni MJ sa pre-pageant at sa mismong pageant night ang humatak pababa sa dapat sana’y magandang laban ng ating kababayan.

Nandu’n pa naman ang Pambansang Kamao bilang judge, siguradong hindi pinabayaan ni Pacman ang ating manok na kababayan pa nga nito, kundi raw sa gown na gawa ng isang Colombian designer na tulad ni Ms. Araneta ay nagbigay sana ng magandang laban si MJ Lastimosa.

“Isang matandang laos na beauty queen, pasimple tayong sinabotahe. Mabuti na lang at sadyang magaganda at matatalino ang mga kandidata natin, kaya nakapapasok pa rin tayo sa semi-finals!” komento ng anak-anakan naming si Obet Sapin.

Pero sa kabila ng mga butas na nasilip ng ating mga kababayan ay congratulations pa rin sa ating kinatawan!

Read more...