True ba, Coco, Julia palihim na nagde-date?

coco martin
Speaking of Julia Montes, inamin ng dalaga na talagang kinokontrol niya ang kanyang sarili pagdating sa usaping lovelife.
Ayon sa dalaga, mas naging istrikto siya ngayon sa pag-entertain ng manliligaw at sa pakikipag-date.

Hangga’t maaari raw kasi ay ayaw niyang magkamali sa pagdedesisyon pagdating sa pakikipag-boyfriend. Sa interview ng Aquino & Abunda Tonight ani Julia malakas ang feeling niya na posibleng mawala ang focus niya sa mga priorities niya sa buhay kapag pumasok siya sa isang seryosong relasyon o kapag mas binigyan niya ng atensiyon ang mga lalaking nanliligaw sa kanya.

Kaya nga raw talagang kontrolado niya ang kanyang emosyon dahil isang maling hakbang lang daw niya ay baka forever niyang pagsisihan.

Mas mabuting mag-concentrate muna siya sa kanyang showbiz career para mas mapabuti pa ang kanyang craft bilang artista.
Samantala, hindi pa rin namamatay ang mga chika na matagal na raw magdyowa sina Julia at Coco Martin – itinatago lang daw ng dalawa ang kanilang tunay na relasyon para iwas intriga at tsismis.

Ayon sa ilang supporters ng dalawang Kapamilya stars, naniniwala sila na may something na nga kina Coco at Julia base na rin sa mga kilos at tinginan nila kapag magkasama.

Hindi rin daw sila naniniwala sa mga sinasabi ni Coco na hindi pa nito nahahanap ang babae para sa kanya, marahil ay gusto lang ng binata na maging tahimik ang relasyon nila ni Julia.

True rin kaya ang tsismis ng ilang netizens na palihim daw na nagde-date ang dalawa para walang makakita sa kanila at mapanatiling sikreto ang kanilang relasyon. Para naman sa amin, to see is to believe! Ha-hahaha!

Read more...