Makapagsi-seaman na ba ngayong 2015? (2)

Sulat mula kay Rommel ng Nazareth st.,
Bansalan, Davao del Sur
Problema:
1.      Matagal na akong nag-aaplay sa barko kaya lang ay parang malas. Mag-iisang taon na ay hindi pa rin ako nakakasamapa. Naisipan ko tuloy na sumulat sa inyo upang itanong kung may pag-asa pa kaya akong makapag-barko?
2.      Dati na po akong nag-seaman, ang kaso local lang ang company na napasukan ko. Fishing po ang trabaho ko at maliit lang ang suweldo  kaya sa ngayon ay paga-abroad ang balak ko. Matutuloy na ba ako sa taong ito ng 2015 o may travel line ba sa palad ko? April 28, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Rommel ng Davao del Sur
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong  Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing sa buwan ng Pebrero hanggang Mayo ay siguradong may darating sa iyong malaking suwerte. At ang malaking suwerteng ito ay ang napipinto o nalalapit na paga-abroad.
Numerology:
Ang birth date mong 28 ay nagsasabing sa taong ito ng 2015 hanggang 2016, tulad ng naipaliwanag na, susuwertehin ka. Sa nasabi ngang panahon— sa edad mong 27 pataas— may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong karanasan.
Luscher Color Test:
Sa muling pag-aaplay, upang matiyak na matutuloy ka na sa abroad, dilaw o kaya’y pula ang gamitin mong kulay.
Graphology:
Samantala, bahagyang inobasyon naman sa iyong lagda ang kailangan. Habaan mo ang “krokes ng terang “t” sa iyong apelido. Sa ganyang paraan, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang kusang darating sa buhay mo ngayong taon.
Huling payo at paalala:
Rommel, ayon sa iyong kapalaran, sundin mo lang ang mga simpleng rekomendasyong inilatag na sa itaas. Makikita mo, tiyak ang magaganap sa taon ito, sa edad mong 27 pataas, sa buwan ng Pebrero, Marso o kaya’y Abril, at pinakamatagal na ang Mayo, may isang mabunga at mabiyayang pagsi-seaman na itatala sa iyong kapalaran.

Read more...