Galedo handang idepensa ang titulo

APAT na araw na lamang at lalarga na sa Balanga, Bataan ang natatanging pakarera sa bisikleta sa bansa na may basbas ng international cycling federation na UCI.

Ito ang 6th Le Tour de Filipinas. Ngayon pa lang ay  hindi na maalis kay Mark Galedo ang pananabik sa gagawing pagdepensa sa hawak na titulo laban sa 13 dayuhang koponan at isang continental team mula sa Pilipinas.

“Excited na sir at fully charge na po. Kami ng team po ay talagang handa nang sumabak sa karera,” wika ni Galedo sa isang panayam kahapon.

Lalaro ni Galedo para sa PhilCycling national team kasama ang mga kapwa niya  national riders na sina Ronald Lomotos, George Oconer, Ronald Oranza at Jun Rey Navarra.

Si Lomotos ang pinakabata sa edad na 20 habang si Oranza ay beterano ng Incheon Asian Games tulad ni Galedo. Si Galedo ang ikalawang Filipino cyclist na nanalo sa  karerang ito na inorganisa ng Ube Media, handog ng Air21 at suportado  ng MVP Sports Foundation at Smart.

Ang una ay si Baler Ravina na nagkampeon  noong 2012. Hindi biro ang hamong haharapin ni Galedo at ng mga kasamahan nito dahil dalawang bigating  Iranian teams ang kasali sa kareang ito.

Read more...