THERE’S one thing that Stella Araneta must give light to now that the Miss Universe pageant is over.
One is the rumor that she scolded our very own MJ Lastimosa before the evening gown competition. Rumors have it that MJ wants to wear a pink gown from among her gowns but was reprimanded daw by Stella.
Kaninong gown ba ang gustong isuot ni MJ? Ang chika, ang gawa ng Pinoy designer na si Leo Almodal daw. Nagkaroon daw ng matinding bangayan ang dalawa. Who prevailed? Siyempre si Stella.
And who did MJ wear? Siyempre ‘yung sa bet designer ni Stella na Colombian designer na si Alfredo Barraza. We’ve learned na si Miss Colombia (Paulina Vega) na siya ngang nagwagi sa pageant ang isa sa may pinakamataas na grado sa evening gown competition, isama na si Miss Jamaica Kaci Fennel.
Stella’s statement on why she hires Barraza para gumawa ng gowns ng ating competing candidates drew collective ire, including local celebrities and former beauty queen like Ruffa Gutiererz.
Say kasi ni Stella, hindi raw magaganda ang gawa ng Pinoy designers. “If I didn’t do it for several years, it’s because the designs that were given to us were not good enough for our candidates.
That’s the reason I went abroad,” say ni Stella sa isang panayam. Is she not aware that the likes of Monique Lhuilier, Ezra Santos, Rajo Laurel, Francis Libiran, Cary Santiago and Michael Cinco ay world renowned fashion designers? Na kahit Hollywood stars ay pumipila para magpagawa ng gowns sa kanila.
Ano ba itong si Stella, walang radar para malaman niya kung sino ang tunay na sikat na Pinoy fashion designers?
No offense meant, ha, pero sino ba itong Alfredo Barraza na ito compared to Ezra, Monique or Michael? Parang wala namang binatbat itong Colombian designer na ito.
Parang isa lang siyang DA HU, ‘no! Pinagtawanan ang national costume gown ni MJ na mukhang gawa ng isang peryante. Imagine, the gown was replete with flowers na parang Santacruzan lang ang peg ni MJ.
Nagmukhang katawa-tawa hindi si MJ kundi ang designer ng gown niyang PULPOL.Merong nag-suggest na dapat ay iboykot na ng mga agents ang Binibining Pilipinas ni Stella.
Meron namang nagsa-suggest na sana ay ibigay na sa ibang company ang pagpapatakbo ng beauty pageant at hindi na kay Stella.Anyway, tila nagbunyi ang beki population when they learned through social media na nadapa si Stella paglabas niya ng venue ng Miss Universe habang papunta siya sa parking lot.
Kumalat sa social media ang photos ng pagkadapa ni Stella. Super happy ang halos lahat ng nag-comment sa naglabasang photos sa isang website. Talagang collectively ay tuwang-tuwa sila.
“Digital na kasi ang karma. Ang dami lasing beki na nagmumura!” “Hahaha ang lakas tlaga ng sumpa ng mga pilipinong bekis!!” “Hahaha ang bilis naman ng himutok ng sambayanang kabaklaan laban kay madame, ramdam agad! After pageant tlga!”
“Did her brains splatter all over the ground? Is she invibing the negativities and hatred of Filipino pageant fans towards her? She needs to be rushed to the hospital and check out her nuts if still functional. Geeez! Get out of BPCI pleaseee!”
Any comment, Stella? You have to defend yourself against these bashers. Now na!