Nagsisigaw pala ng “Boooo!” ang audience sa ginanap na 63rd Miss Universe coronation night sa Florida, USA nang tawaging fourth-runner up si Miss Jamaica Kaci Fennell.
Isa sa mga nag-top trending topic sa Twitter si Miss Jamaica na isa sa mga pumasok sa Top 5 finalists sa nasabing pageant. Karamihan sa mga nag-comment ay hindi pumabor sa pagiging fourth-runner up lang ni Fennell.
In fact, mas deserving pa raw ito kay Miss Colombia Paulina Vega na siyang tinanghal na Miss Universe 2014. At dahil nga dito, marami ring Pinoy ang nadismaya, kabilang na ang ilang kilalang celebrities kaya naman naging top local trending topic sa Twitter ang salitang “Jamaica”.
Ayon pa sa ilang netizens, ganyan din ang nangyari sa mga Pinay candidates nating sina Shamcey Supsup, na nanalong third runner-up sa Miss Universe noong 2011, at kay Venus Raj na naging fourth place naman noong 2010.
Narito ang ilang comments ng Pinoy celebrities tungkol kay Miss Jamaica. Sey ni Bianca Gonzales, “Jamaica was robbed tsk tsk tsk. Is that the first time in #MissUniverse that the BOOs were that loud?”
“Booooooooo!!!!!! Jamaica!!!! Why?!?! #MissUniverse2014 shocking!!!” chika naman ni Ruffa Gutierrez. Hirit naman ni Shamsey Supsup, “Na Venus Raj ka na ba? #Jamaica #MissUniverse!”
Ayon naman kay Ariella Arida, “Ay anyare!! Jamaica?” Pero bumawi naman ang Pinay beauty queen at sinabing, “Colombia is really pretty in person.
Dyosaness level and I like her bubbly personality! Congrats to our new Miss Universe! #MissUniverse2014!”