Erap sinimulan nang isulat ang makulay na life story

erap estrada

TUMANGGING bigyan ng Amerika ng US visa si Manila Mayor Joseph Estrada noong 2008 kaya mula noon ay hindi na raw nagbibiyahe sa Estados Unidos ang dating pangulo.

Ito ang inihayag ni Mayor Estrada sa panayam sa kanya ni Prof. Solita Monsod sa Manila City Hall. Ayon sa alkalde, ang hindi pagbibigay sa kanya ng US visa ay maaring dahil sa naging utos niya noon na “all out war” laban sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong Marso 2000.

Ipinaalam daw sa kanya ni Defense Secretary William Cohen ang kahilingan ng noon ay US President Bill Clinton na kung maari ay huwag ituloy ang malawakang opensiba laban sa MILF. “I cannot recall my order,” ang sagot daw ni Estrada sa opisyal.

Maaaring ito raw ang dahilan kung kaya hindi siya binigyan ng visa. Mula noon daw ay hindi na siya nagtangka pang kumuha ng visa para magbiyahe sa Amerika.

Sa ngayon ay sinisimulan na raw ni Mayor Estrada ang pagsusulat ng kuwento ng kanyang buhay. Kabilang daw sa magiging bahagi nito ay ang sa paningin niya ay ilegal na pag-alis sa kanya sa puwesto noong 2001.

Ikinatuwa naman ng alkalde ang naging paborableng desisyon ng Korte Suprema sa disqualification case na inihain laban sa kanya ni dating Manila mayor Alfredo Lim at ng abogadong si Alicia Risos-Vidal.

Sa harap ng desisyong ito, tatakbo pa kayang muli si Mayor Estrada bilang alkalde, o tutuparin niya ang pangako niya sa kanyang bise-alkalde, Isko Moreno, na susuportahan niya ito bilang kandidato sa pagka-alkalde sa 2016?

Alamin ang sagot sa mga ito sa Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie sa Lunes, 10:15 p.m. sa GMA News TV Channel 11.
Anyway, kung gagawin kaya ang life story ni Erap, sino kaya ang bagay na gumanap?

Kayo dear readers, sino ang feel n’yong gumanap bilang Joseph Estrada kung sakaling gawing movie ang kanyang buhay? Mag-e-mail lang kayo sa ervinangara@gmail.com o mag-tweet sa official Twitter account ko na @ervinangara7. Gow! — EAS

Read more...