Marlene tinanggap ang hamon ni Mystica pero may 2 kundisyon

mystika
KUMASA naman pala si Marlene Aguilar sa hamon ni Mystica.

Kaya lang, merong conditions pala ang sister ni Ka Freddie Aguilar. Ang chika, willing si Marlene na makipagsagupaan nang pisikal kay Mystica kung pipirma ito ng kasunduan na walang pananagutan ang kapatid ni Ka Freddie kung anuman ang magaganap sa kanya.

Ang isa pang condition ni Marlene according to the report that we saw is dalawang tao lang ang puwedeng manood ng bakbakan ng dalawa, si Charlie Lozo at si Lourd Ernest de Veyra.

Walang media na puwedeng manood sa laban ng dalawa. We don’t know why Marlene zeroed in on Charlie and Lourd, kung bakit silang dalawa lang ang allowed na manood sa laban ng dalawa.

Will the much-awaited Mystica-Marlene duel ever happen? Let’s just wait and see.

Read more...