CRISTINE sexy, makinis pero wasak na wasak na | Bandera

CRISTINE sexy, makinis pero wasak na wasak na

- April 28, 2012 - 02:00 PM

Nagmamatigas daw, ayaw pa ring mag-sorry kay Ara Mina

Siguradong sa mga panahong ito ay nahihimasmasan na si Cristine Reyes.

Huwag naman sabihing ganu’n siya kawalang-kunsensiya, may pagkakataon ding nagsisisi na siguro siya sa matinding pambabastos na ginawa niya sa kanyang ate Ara, sukdulan na ‘yun na maaaring magawa ng isang tao sa kanyang kapatid na mas nakatatanda pa.

Sa tindi ng mga salitang ipinakain ni Cristine kay Ara ay para siyang lumangoy nang pagkalalim-lalim na mahihirapan na uli siyang makaahon.

Galit sa kanya ang mga nagmamahal kay Ara, galit kay Cristine pati ang mga manunulat na tinawag niyang cheap, galit din sa kanya ang mga kababayan nating marunong maghiwalay ng tama sa mali.

Wala na rin sa kanya si Rayver Cruz kahit pa kung ano-anong pagdedenay ang kanilang gawin, galit na sa kanya ang marami ay nawala pa ang lalaking nagmahal nang todo sa kanya, pero mukhang hindi rin niya pinahalagahan.Walang ibang maaaring gawin ngayon ang malditang babaeng ito kundi ang magpakumbaba, humingi ng public apology sa kanyang ate, baka kapag ginawa niya ‘yun ay meron pang pag-asang magustuhan siya uli ng publiko.

Pero hanggang nagmamatigas si Cristine, habang umiiyak ang kanyang ate, ay lalalim nang lalalim ang disgusto sa kanya ng publiko.

Maganda nga siya at makinis, sexy nga siya at batambata pa, pero ang imahe niya naman ay wasak na wasak.

Sa totoo lang!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending