Ka Freddie napapangiti sa mga upak ng Pinoy kay Marlene | Bandera

Ka Freddie napapangiti sa mga upak ng Pinoy kay Marlene

Cristy Fermin - January 22, 2015 - 03:00 AM

freddie aguilar
Ilang araw na ang nakararaan pagkatapos bumalik ng Santo Papa sa Rome, Italy, pero hanggang ngayon ay ninanamnam pa rin ng ating mga kababayan ang kanyang pagdalaw sa ating bayan.

‘Yun pa rin ang kuwentuhan hanggang ngayon kahit saan, may mga kababayan tayong kinaiinggitan ng kanilang mga kaibigan, kasi nga ay nakalapit ang mga ito sa Santo Papa.

At hanggang ngayon din ay marami pang nagpapakain ng apdo kay Aling Marlene Aguilar, ang nakababatang kapatid ni Ka Freddie, dahil sa maaanghang na salitang binitiwan niya laban sa Santo Papa at sa ating mga kapwa Pinoy.

Napapangiti na lang siguro ngayon si Ka Freddie sa mga upak na tinatanggap ng kanyang kapatid, ngayon nga naman ay parang naging bendikado ang singer tungkol sa kanyang kapatid na umuupak sa kanyang misis, hindi na kailangan pang idepensa ni Ka Freddie ang kanyang asawa dahil may gumagawa na nu’n para sa kanya.

Matalino si Marlene Aguilar, pero nakapanghihinayang ang kanyang talento, kung saan-saan lang kasi niya ‘yun ginagamit at pinalulutang.

Nu’ng kasagsagan ng kasong pagpatay ng kanyang anak na si Jason Ivler ay inaway niya pati ang gobyerno ng Amerika, hindi raw niya uurungan ang mga opisyales ng USA, dahil magaling siya sa martial arts.

Nakakaloka ang babaeng ito, walang takot sa karma, pati ba naman ang pinakamataas na opisyal ng simbahang Katoliko ay nakunsensiya niyang tawaging demonyo?

Nasa bokabularyo kaya ni Aling Marlene ang salitang paghuhunos-dili?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending