Nagmakaawa si Kris Aquino sa madlang pipol na huwag namang pag-awayin ang dalawang produkto ng The Voice Kids na sina Darren Espanto at Lyca Gairanod dahil baka makaapekto ito sa kanila emotionally.
Ayon kay Kris marami kasi siyang natatanggap na komento mula sa viewers anmd netizens simula nang i-announce niya sa Kris TV na makakasama niya ang dalawang bagets sa kanyang morning show kahapon.
“May ire-request lang ako sa mga nanonood. Kasi kagabi maaga ako natulog pero paggising ko, I was reading all their comments. I don’t think it’s fair to be pitting the two children against each other.
Let’s celebrate their talent. Si Lyca was blessed with a beautiful voice. Darren was also blessed with a beautiful voice. Regalo po yan ng Diyos,” ani Kris.
Dugtong pa ng TV host, “Hindi po nakakatulong sa dalawang bata kung ang mga fans nila nag-aaway. Dapat i-celebrate natin ang talent nila. Pareho silang maganda ang boses.
Pareho silang biniyayaan ng Diyos. Bilang magulang, ako nahe-hurt ako kasi we are so critical when we should just be celebrating na meron tayong dalawa na ganito kahusay.”
Nakiusap din siya sa fans ng dalawa na huwag nang intrigahin ang mga bata at suportahan na lang ang lahat ng kanilang proyekto.
“Gusto ko lang sabihin na even when we reach 100, will we ever have their talent? I don’t think so. Kahit umabot na tayo sa langit, hindi magiging ganyan ang boses natin so sana tayong lahat, suportahan natin silang dalawa.
Kasi sa nakikita ko sa kanilang dalawa, okay sila. “Pareho naman silang pwedeng mag-succeed dahil yung isa babae, yung isa lalaki. Magkaiba sila ng songs na kinakanta, ng style.
Bilang mga tagahanga, just because you like Darren, it doesn’t mean you can’t like Lyca. Or if you like Lyca, it doesn’t mean you can’t like Darren. We can love them both equally,” sey pa ni Tetay.