Edgar Allan pumatol sa hunk model

allan guzman
NAKAAANTIG na kwento ng matibay na relasyon ng isang ama at ng kanyang anak na binabae ang ibabahagi ng Maalaala Mo Kaya hosted by Charo Santos sa ABS-CBN ngayong Sabado ng gabi.

Bibida sa upcoming family drama episode ang award-winning actors na sina Edgar Allan Guzman at Nonie Buencamino. Gaganap si Edgar bilang ang bading na caregiver na si Jing.

Samantalang gagampanan ni Nonie ang role ni Adoy, na bagaman noong una ay kontra sa pagiging bading ni Jing ay nanatiling lakas ng kanyang anak sa gitna ng mga pagsubok na pinagdaraanan nito.

Bahagi rin ng upcoming MMK family drama episode sina Shamaine Centenera, John Spainhour, Mikylla Ramirez, Casey da Silva, Neil Coleta, Kokoy de Santos at Pinoy Big Brother alumni na sina Vicky Rushton at Rica Paras.

Ito ay sa direksyon ni Efren Vibar, sa panulat ni Ruel Montañez. Ang MMK ay pinammunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.

Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saan man sa mundo ang Maalaala Mo Kaya na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK, tuwing Sabado, 7:15 p.m., pagkatapos ng Home Sweetie Home sa ABS-CBN.

Read more...