Meron pang isang kaibigan natin who has received flaks from netizens when she posted something about being a born-again Christian, si former Miss Internation Percious Lara Quigaman.
Sinabi niya sa kaniyang Instagram account na si Jesus Christ lang ang ating savior as she quoted some verses from the Bible. She posted it while Pope Francis was busy officiating masses, blessing many Pinoys and all.
Para sa iba, it was very distasteful of her. Na parang provocative sa paniniwala natin of Pope Francis. Na parang gusto niyang sabihing tigilan natin ang pagsamba kay Pope Francis dahil hindi naman siya ang magsi-save ng mga buhay natin kungdi si Jesus Christ.
Hindi naman natin sinasabing mali siya dahil alam naman natin sa mga puso nating si Hesukristo naman talaga ang savior natin pero bilang mga Katoliko ay ipinanganak na tayo sa paniniwalang ang Santo Papa ang respresentante natin sa kalangitan.
Huwag naman nila tayong i-deprive sa paniniwala nating ito. Even the Pope said na hindi tayo sa kaniya magdasal kundi sa Diyos pa rin. Kumbaga, nautusan lang siya ng nasa Itaas. kaya hayun, marami ang nagalit kay Lara.
Alam naman nating obvious ding gusto lang kontrahin ni Ms. Lara ang ating paniniwala, na hindi siya impressed kumbaga sa pagdating ng Santo Papa natin.
Hindi raw niya kailangang mag-sorry dahil iyon ang paniniwala niya. Na Wala naman daw siyang intensiyong insultuhin o saktan tayo.
Ang sabi ko na lang para maibsan ang galit nila kay Lara Quigaman ay WRONG TIMING lang siya. Kaya find a RIGHT TIMING for everything. Ayan tuloy ang napala ninyo, naba-bash kayo to the highest level.
Kung tutuusin nga, grabe ang naging impact ng pagdating ni Pope Francis sa bansa natin, even the demons left hell para ma-bless sila. Sa iba riyan na may balak pang mang-insulto sa relihiyon namin, huwag niyo nang ituloy if you want a peaceful life.
Manahimik na lang kayo kung walang sasabihing maganda sa mga Katoliko dahil makakatikim din kayo sa amin, itaga n’yo yan sa mga kukote n’yo!