Kahit kami ay nagulat sa naging anunsyo ni Coach Bamboo nang sabihin nitong dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay hindi na mag-a-advance sa battle round ang isa sa mga pinili niya sa knock-out rounds sa kanyang team.
Sa naging labanan nina Joniver Robles, Karlo Mojica at Rita Martinez, pinili niya ang dalawang lalaki para maging bahagi ng kanyang Team Kawayan na lalaban sa mga napili naman ng ibang coaches.
Then last Sunday nga ay nagkaroon ng pagbabago dahil sa pag-back-out ni Joniver sa kumpetisyon kaya as per the rule of the show, ang nakalaban nga nitong si Rita ang nag-assume ng post.
Gusto sanang kumuha ni Bamboo mula sa ibang contestants ng kanyang team na hindi niya napili, pero yun nga raw ang rule sa The Voice, kailangan sa tinalong kalaban kunin ang kapalit.
Kumalat tuloy ang intriga na gusto daw sanang makabawi ni coach Bamboo sa isang “deserving hopeful” na napabilang sa grupong kinabilangan ng anak ni Sen. Gringo Honasan na si Kaye at hindi niya pinili.
“Obvious naman kasing mas magaling kesa sa anak ni Sen. Honasan yung hindi niya pinili. Baka na-pressure lang. Kaya’t suwerte nu’ng Rita Martinez dahil siya yung nasa grupo nina Robles at Mojica,” komento ng isang netizen na sumusubaybay sa pinag-uusapang talent search ngayon ng ABS, ang The Voice Season 2.