Kailan magkaka-house and lot?

Sulat mula kay Kristel ng Mahayag, Agusan, Cagayan de Oro City
Dear Sir Greenfield,
Matagal na kaming nagsasama ng aking asawa at may apat na kaming anak, ang problema unti now ay wala pa rin kaming sariling lupa at bahay. Nangungupahan lang po kami kaya lalo tuloy kaming naghihirap. Sa ngayon po ay nasa abroad ang mister ko kaya nagsisikap akong makaipon para kahit maliit lang ay magkaroon kami ng sariling lupa at bahay para hindi na ngungupahan. Itatanong ko lang po kung sa kabila ng ganitong sitwasyon ng buhay namin, sapat-sapat lang ang kinikita ni mister, may pag-asa pa kaya kaming magkaroon ng sariling lupa at bahay? January 23, 1979 ang birthday ko at October 17, 1977 naman ang mister ko.
Umaasa,
Kristel ng Cagayan del Oro City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Straight o tuwid naman ang malinaw na Head Line (Illustration 1. 1-1arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin,  basta’t patuloy lang kayong nasikap at mag-ipon, sa bandang huli, makakaipon din kayo ng sapat na halaga hanggang sa kusa na ring matupad ang pangarap mong sariling house and lot.
Cartomancy:
Ten of Diamonds, Nine of Diamonds at King of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.).  Ang mga baraha ang nagsasabing sa taong 2019 hanggang 2020, sa edad mong 40 pataas, tuluy-tuloy na kayong makakaipon hanggang sa kusa na ring magkaroon ng sariling house and lot.
Itutuloy…

Read more...